#ElitesMemories
••••
TAHIMIK akong nakatayo sa rooftop ng junior building habang nakatungo sa ibaba. Nililipad ng malakas na hangin ang buhok ko na para nito iyong sinasayaw kasabay ng masayang tugtog na naririnig sa buong school grounds.
Madilim sa parte kung saan ako nakapwesto, kabaliktaran ng nakakasilaw na kasiyahan at programang nagaganap sa ibaba.
Hanggang ngayon , hindi pa rin ako madalas sumali sa mga mahahalagang program.
“Iwan mo na ‘ko dito Flent, bago pa dumating si Blaze.” I uttered without looking at Flent beside me.
Hindi ko alam kung malakas lang talaga ang pakiramdam n'ya na nandito ako o nagkataon lang na dito n'ya gustong tumambay.
He let out a a dry chuckle in response to what I have told him.
“Okay. Okay. Gets. Kahit ako yung nauna kaysa doon sa wala pa, ako yung pinapalayas,” kunwaring pagpaparinig nito na tila sarili lang ang kinakausap.
Akala ko aalis na s'ya ng tuluyan ng makita ko pa sa gilid ng mata kong pumihit s'ya pabaling sa'kin at sinilip ang mukha ko.
“Alam mo, tingin ko hindi na lang ako basta natutuwa sa mga pinaggagagawa mo.” may bahid ng amusement ang boses nito at alam kong nakangisi na naman s'ya.
“Tingin ko kasi totoong attracted na ‘ko sa'yo,” Natatawa nitong sabi kaya nabaling agad ako sa kanya ng tingin. “Sinabi ko lang, hindi ko naman kailangan ng sagot mo.”
He grinned while staring to my eyes. When he realized that he will no longer get what reactions he would get from me, his famous grin fades away. Pinatunog pa nito ang dila saka ako kinindatan at tuluyang tinalikuran para umalis na.
Nagwave pa ito ng kamay bilang pamamaalam kahit nakatalikod na at naglalakad papalayo.
Mabilis kong isinantabi ang sinabi n'ya dahil mas may malaking bagay na umookopa ng utak ko. Muli kong pinagmasdan ang kasiyahang nangyayari sa baba. Kitang kita ko mula dito sa taas ang mga nangyayari dahil open space ang theme at sa quadrangle nila ginanap ang JS Prom.
Napagusapan namin ni Blaze na saktong alas nuebe kami magkikita rito. Ang hindi n'ya lang alam ay bago pa man magsimula ang program, nandito na 'ko.
Hindi n'ya ako napilit pa na sumali sa Prom. Ginagalang n'ya naman agad kung anong mga desisyon ko. Kapag sinabi ko, hindi na n'ya ako pinipilit gaya ng dati. Nauunawaan daw n'ya kung ayaw ko talaga.
Inalok pa nga ako ng dance club na sumali sa special intermission nila ngayong gabi pero mariin ko yung tinanggihan. Tama ng minsan kong naranasang sumayaw at kumanta sa harap ng maraming tao. Sapat na sa'king maranasan yun kahit isang beses lang. At least nasabi ko sa buong buhay ko na kahit minsan, may napatunayan ako sa harap ng maraming tao sa kabila ng pagiging tago ng mukha ko sa lahat. Naranasan kong makarinig ng mga papuri at palakpak.
Inalis ko na ang suot na sumbrelo at tanging face mask ang iniwan kong takip sa aking bibig. Si Blaze kang naman ang kikitain ko kaya't hindi na kailangan pa na magtakip ng husto. Madilim rin naman sa pwesto ko.
BINABASA MO ANG
ELITES
Teen FictionHer name is Candid, not a typical girl you can mess up with. She was born to get her face hidden behind her mask and scarf. Too cold, timid and introverted. That's why they see every part of her as a mystery and an unusual puzzle to solve. Neverthe...