Three

4.6K 147 24
                                    

EDITED VERSION

°°°°

#ElitesHelmet





Gumagaan lang talaga ang pakiramdam ko kapag tahimik ang paligid. Feeling ko, napakapeaceful ng buhay ko. That's why this is one of my favorite place, library.



Ang nakakamangha dito sa library nila, sobrang laki at lawak. Aakalain mo sa unang tingin sa labas na hindi isang library ang nasa loob. Two storey kasi sya, ganun karami ang libro.




Mukhang magiging favorite place ko na ito dito sa HFA.




Dahil sa nangyari kanina sa Cafeteria, masyadong mahaba ang naging oras ko para sa lunch break. Dahil wala naman akong ibang maisip na pupuntahan, naisip kong dito na lang muna dumeretso. Tutal dito, tahimik. Walang baliw na reynang walang korona pero mukhang tinamaan ng virus na magtatapon ng pasta sa ulo ko.




"Hey." Hindi ko man lingunin ang boses na yun ay alam ko na kung kanino ito.


"Akala ko may meeting kayo?" Bungad ko agad sa kanya ng umupo sya sa bakanteng upuan sa harapam ko.



Hindi agad sya nagsalita at sinulyapan nya ang ulo ko. Seryoso lang itong nakatingin dito. Halata ang pagaalala sa paraan ng pagtitig n'ya.



Mukhang nalaman nya agad.



"Are you okay?" He asked, seriously.


Paano kaya nya nalaman agad? Hindi naman ako nagtext sa kanya.


"Yep, I'm perfectly fine." Pero napansin ko na medyo kumunot ang noo nya.

"Bes!"



Agad na nakatawag ng pansin ng mga narito sa loob ng library ang pasigaw na boses na yun.


It was Ellie. Halos patakbo na itong naglalakad patungo sa upuan namin. Agad syang sinenyasahan ng librarian na tumahimik dahil nga sa lakas ng boses nya. May pagsigaw pang nalalaman alam ng nasa library sya.



"Bes, are you alright? I'm so sorry. I heard what happened. Sorry talaga. Alam kong nangako ako sa'yo na hindi ka mabubully dito kasi kasama mo na ako. Sorry talaga." She looks so worried at apologetic at the same time while talking. Umupo na rin sya sa tabi ko.


"Ang OA nyo. Sinabi ko namang okay ako di'ba?" Salitan akong tumingin sa kanilang dalawa to assured them through my stare na okay lang ako.


Masyado talaga silang concern sa'kin. Hindi ko alam ang mararamdam ko ngayon kung walang Kurt at Ellie na nagaalala sa'kin ng ganito. I mean, kaya ko naman ang sarili ko. Pero nakakataba din naman pala ng puso na bukod kay Kurt, mayroon ng isa pang taong may pakialam sa kalagayan ko at sa mga nangyayari sa'kin.



"Buti na lang talaga bumili ako kahapon sa mall nito." May inaabot sa'kin na isang box si Ellie. Agad ko naman itong tinanggap kahit nagtataka ako kung ano ito. "Ang plano ko sana mamaya kong hapon ibibigay sa'yo, after class. Pero sa tingin ko mukhang kailangan mo na ngayon." Pilit syang ngumiti.

ELITESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon