Sixty Five

1.3K 55 13
                                    

An : Sorry kung natagalan. Kaya 2 chapter na po update ko. :) Salamat pong muli sa mga pagbati last update ko. 2 months ang itinagal. Haist akala ko hindi na ako makakapagupdate pa. :(

••••

#ElitesBlaze


"Seryoso ka?" pangatlong tanong muli ni Axle habang inaayos ang mga documents na nagkalat sa table habang nakatingin sa'kin.

"Oo. Seryoso ako." I lazily replied while sitting at my swivel chair.

"Kaya mo panindigan?" mapaghamong tanong n'ya habang nakangisi.


Ilang segundo pa bago ako nakasagot.


"Bakit hindi? Kung yun naman ang kapalit."

Iling naman agad ang naging reaksyon n'ya sa sinabi ko.

"Akala ko pa naman kapag nagkakabalikan kayo, babalik na rin yung dating Blaze na kilala namin." mahina s'yang natawa." Pero nagkamali ako. So, what's new? Bakit hindi na gaya ng dati?" may pilit pinapahiwatig ang ngisi ng isang 'to.


"Hindi ka ba nagsasawa kapupuna ng lovelife ko? Palibhasa kasi puro s*x ang alam mo kaya wala kang alam sa tunay na relasyon."

"Oy gago!"

Natawa ako ng mabilis n'ya akong binato ng ballpen na hawak n'ya.

"Anong pinagsasabi mo? Parang hindi mo pinagdaanan ah?" malisyosong ngumiti si Axle sa'kin habang nagtataas baba ang kilay.


Napatikhim na lang ako at napaayos ng upo.

Paiwas ko s'yang sinulyapan. Baka kung ano na namang tanungin n'ya na hindi na naman ako kumportableng sagutin. Sana pala hindi ko na lang inasar. Sa huli ako lang ang nababaliktad lagi nito eh.

"Meron na ba ulit, ha?"

"Pinagsasasabi mo, Axe? Gago ka?"

"Sus. Kunwari pa 'to. Huwag ka ngang pa-virgin. So ano nga?" lalong lumapad ang pagkakangisi n'ya sa nagiging reaksyon ko.

"Huwag mo nga ako itulad sa'yo. Lumayas ka na nga. Ako na lang bahala magisa dito."

Tawa lang ulit ang tinugon n'ya sa pagkairita ko sa pinagsasabi n'ya. Pero bago pa s'ya tuluyang lumabas ng office namin, nagiwan na naman s'ya ng bad influence na idea at makapagpagulo sa isip ko.


"Ayos lang naman sa'kin na mawalan ka ulit ng oras ka tropa dahil taken ka na ulit. Gusto naming lahat na bumalik na yung dating Blaze na kilala namin. Pero sana, dahil sa ibang bababae na."




Bakit parang pamilyar? Bakit parang narinig ko na sa kapatid ko yun?






~°~




It's been three days simula ng malaman naming hindi kasama ang katawan ni Candid sa mga narecover sa Brice. And it's been freaking three days na akong nagiisip kung saang lupalop ba talaga s'ya napadpad. Kung may pagasa pa ba talagang buhay s'ya.

ELITESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon