EDITED VERSION
°°°°°
#ElitesMonkeyCaptain
Blaze Anthony Dalton
Nababagot na ako masyado. After school, uuwi agad ng dorm. This is too boring! Namimiss ko ng lumabas at magchill man lang kahit paminsan minsan.
"Hoy Axe. Sumama ka sa'kin sa Brice." Walang lingon lingong sabi ko sa kanya habang nauuna akong maglakad sa kanilang tatlo kasama si Dwayne at Trust.
Pabalik na kami lahat ng dorm para palitan ang uniform naming suot. Wala akong kagana gana ngayon. Gusto kong lumabas. Hindi naman kami bilanggo dito sa school para pagbawalan kami kahit dito na kami halos nakatira.
Hindi naman kasi masasabing permante kami ditong nagiistay habang dito pumapasok. Pwede pa rin naman kami umuwi sa mga kanya kanya namin bahay depende sa terms na kukunin. Yun nga lang, restricted ang oras kung pipiliin naming lumabas kapag pinili namin ang term kung saan dito talaga kami magi-stay during weekdays. Limited lang ang oras na pwede naming ipamalagi sa labas. May curfew time din kasi at kahit kaming mismo na mga officers, hindi exempted sa rules na yun.
"What? Ayaw ko pang ipatapon sa Korea Blaze. H'wag ka ng mandamay." Nakangiwing reaksyon ni Axle.
Siguro kung nasa mood lang ako, natawa na ko sa reaksyon nitong si Axle. Takot na takot eh.
"Don't worry. Tinawagan ko na si Hera. Wala daw si Tito Brix mamaya sa Brice. Bukas pa daw makakabalik from Cebu." para namang biglang nagningning ang mga mata nito ng nilingon ko dahil sa sinabi ko.
"Bakit si Axle lang ang niyayaya mo? Parang wala kami dito ni Trust ah?" Bigla namang sumabat itong si Dwayne sa usapan.
"Magtataka ka pa ba? Galit yan sa'yo Tol. Doon ka daw kumampi sa kaaway nya." Sabay tawa ni Axle ng pangasar.
Kaaway talaga? Parang ang immature naman kung gawing issue ang nangyari sa pagitan namin ni Dwayne.
Pero aaminin ko, nainis ako. Kaunti. Imbis na hayaan n'ya lang ako bilang kaibigan naman n'ya, kinontra n'ya talaga ako sa harap ng maraming estudyante.
Saka hindi pa ba sila nasanay? Kahit magkakaibigan kaming apat, lagi naman talagang taliwas ang paniniwala at paninindigan namin nitong si Dwayne . Nagtataka na nga rin ako kung bakit hanggang ngayon kaibigan ko pa rin ang santong yan eh. Matalik pa. Kaunting kaunti na lang talaga baka itakwil ko na.
"What about me? Kasali din ba ako sa LQ nyo ni Dwayne? Bakit hindi ko narinig yung, 'Trust and Axle, tara sa Brice. Papalamig tayo.'?" Sumali na rin sa usapan si Trust. Himala at wala syang dalang libro ngayon.
"Naku naku Trust. KJ ka naman minsan. Hindi ka naman umiinom right? Audience ka lang naman lagi." Nagsisimula na namang manusot itong si Axle.

BINABASA MO ANG
ELITES
Teen FictionHer name is Candid, not a typical girl you can mess up with. She was born to get her face hidden behind her mask and scarf. Too cold, timid and introverted. That's why they see every part of her as a mystery and an unusual puzzle to solve. Neverthe...