You May Get Lost
—
Ilang minuto ng ganito. Kanina pa puro tunog ng kutsara,tinidor at pinggan ang naririnig ko.
Nakikiramdam lang ako pero alam kong may bahagyang tensyon na sa pagitan nila. Hindi naman ako parte ng pamilya kaya hindi ako kasali sa tensyon na yun. Bahala sila dyan.
Pinipilit ko lang kumain ng niluto kong sinigang kahit hindi pa ako nagugutom. Habang si Candid naman, hindi parin ginagalaw ang pagkaing hinain sa kanya ng Mama nya.
Malamang, binusog ko ng masarap kong sinigang ang anak nya kaya hindi na yan gutom.
“Ang galing mo palang magluto huh?” pambabasag ni Zandra sa katahimikan.
Umaakto syang parang walang awkwardness na nagaganap sa hapagkainan. At talagang sa akin pa sya lumapit imbis na sa mga kapatid nya.
Bale sya lang kasi ang katabi ko at katapatan naman namin ng upuan ay si Candid at Kurt. Habang ang Mama nila ang nasa pinakasolong upuan sa dulo ng mesa.
“Kanino kang anak Hijo?”
Agad akong tumingin sa Mama nila. Sa akin na sya nakatingin kaya malamang, ako ang tinatanong nya.
Hindi ito nakangiti pero hindi mukhang galit. Mukhang may balak syang maginterview at kilatisin ako.
“Mr. Wesley Dalton po, Tita.” pormal na sagot ko.
Hindi ko malaman kung anong itatawag ko sa kanya. Pero mas pinili ko yung mas safe na tawag sa kanya. Baka pag tinawag ko syang Mommy, atakihin sya sa puso eh kasalanan ko pa.
“Woah, Tita.” parang naaamaze na komento ni Kurt pero alam ko namang nangaasar lang sya.
“Y-You mean Senator Dalton?” gulat na gulat na tanong ni Zandra habang ang laki ng pagkakanganga.
Tumango lang ako. Pero sa totoo lang, gusto kong mapangisi sa reaksyon nya. Halatang halata masyado.
“Anak mayaman ka pala. Alam ba ng mga magulang mo na galing lang sa payak na pamilya ang girlfriend mo?” maayos na tanong ng Mama nila pero mahihimigan mong parang lalo lang syang hindi naging komportable na maging boyfriend nga ako ng anak nya.
Sinulyapan ko pa si Candid pero nananatili lang syang walang imik at sa pagkain lang nakatuon ang paningin.
Galit kaya sya sa’kin?
“Ma, you don't have to interrogate him. Tutal mga bata pa ang mga yan. Magbabago pa panigurado ang isip nitong si Blaze kay Candid.” makahulugang komento ni Zandra.
Kanina ko pa talaga hindi gusto ang pananalita nitong si Zandra. At wala man lang imik itong si Candid para sana ipagtanggol man lang sarili nya. Ako tuloy ang naiinis ih.
“Masyado na po akong maswerte na makilala ang anak nyo. God knows na lang po siguro kung kami pa rin hanggang dulo.” matamis akong ngumiti kay Tita at sinulyapan si Zandra para ipamukha sa kanya ang sagot ko.
BINABASA MO ANG
ELITES
Teen FictionHer name is Candid, not a typical girl you can mess up with. She was born to get her face hidden behind her mask and scarf. Too cold, timid and introverted. That's why they see every part of her as a mystery and an unusual puzzle to solve. Neverthe...