“Let yourself embrace your flaws and defections. Let your own feet lead your desire path. And most importantly, let your own hammer build your own dreams.”
•••••
#ElitesWeaknessMatapos ng nangyare kanina kay Michelle ay itinuloy pa rin ang gagawin naming activity ngayong gabi. Kasalukuyan lamang na binabantayan s'ya ngayon ni Ms. Tanako sa isang bukod na kwarto at ginamot ang sugat nito. Bukas daw ng umaga ay mauuna na itong pauuwiin na at ihahatid sa bahay nila.
Medyo na nabahala ang ilan sa nangyare pero saglit lang yun dahil sinabi ni Ms. Tanako na dumadanas ngayon si Michelle ng matinding trauma at depression. Bukod doon wala na s'yang ibang sinabi. Kahit ang dahilan kung bakit may dugo si Michelle at sugat sa kanyang ulo eh hindi rin n'ya idinitalye.
Pero hindi ako kumbinsido. Lalo at may nakaraan kaming issue nitong si Michelle at hindi ko pa nga s'ya ulit nakokompronta tungkol doon.
“As you can see, this is not a typical retreat for all you.” pasimula ni Mr. Mateo habang humahakbang sa palibot ng malakingg bonfire na nasa harapan namin. Ang kanyang parehas na kamay ay nasa likuran lamang n'ya.
Bakit ba naman kasi field trip ang pagkakasabi kahapon? Malamang kung sinabi nila agad, marami talagang hindi maeexcite na sumama. Baka nga marami ang hindi sumama.
Nakapalibot kaming lahat pabilog habang nakaupo sa kanya kanyang bangko at ang bonfire naman ay nasa gitna. Malamig ang hangin pero nababawasan ng dahil sa init ng apoy.
Hindi rin namin alam kung ano ang ipapagawa ni Mr. Mateo. Basta nagpa-opening prayer s'ya kanina at kasalukuyan pa lamang pinapaliwanag ang main goal ngayon ng pagtitipong ito.
“This is your time to pull back. Refresh your thoughts, know yourselves, become spacious, be inspired and look for new perspective in life.”
Parang mga nababagot lang ang mga kaklase kong nanonood kay Mr. Mateo habang humahakbang ito palibot sa harapan namin. May mga nakapangalumbaba lang sa arm chair, may ibang sa nagniningas na apoy lamang nakatingin, habang ay iba naman ay napapatingin lang kung saan saan. Bawal muna ang daldalan dahil paniguradong mapapagalitan ni Mr. Mateo.
May dala s'ya kaninang fish bowl kung saan naglalaman ng mga nakatiklop na papel. Mukhang yun ang sinasabi n'yang magiging activity namin.
“Our main goal now is to rebuke all your negative thoughts. First is to give you new space..and give you time to connect with others.” isa isa n'ya kaming pinasadahan ng tingin habang patuloy na naglalakad sa harap namin. Paminsan naman ay sa mismong apoy s'ya humaharap habang nagsasalita.“Second is to get you inspired. Challenge and wake up your creativity. Play with something that inspires you. Third is learning how to listen. Look at the nature around you..”
Tumingin s'ya sa paligid at ganun rin naman ang ginawa ng iilan.
“Listen to the whisper of the wind. Listen to the natural sounds of nature. And most importantly, listen to your heart..” tahimik lang na nakinig ang lahat. May ibang hindi kill joy at may pagpikit pang nalalaman. “While the fourth one is giving you a chance to recharge. Giving you a chance to make changes in your life.”
“The fifth goal is to lose all your fear. Because you don't have to lock yourself forever in your own room. Learn to leave your comfort zone. It's time for you to give yourself a break from all your fears.. Face it and conquer it.” sa akin pumatak ang mga mata ni Mr. Mateo.
BINABASA MO ANG
ELITES
Teen FictionHer name is Candid, not a typical girl you can mess up with. She was born to get her face hidden behind her mask and scarf. Too cold, timid and introverted. That's why they see every part of her as a mystery and an unusual puzzle to solve. Neverthe...