Ninety

1.5K 31 6
                                    

#ElitesWinter

°°°°



“Gusto mo bang sabay tayo magreview mamaya sa lib?” Dwayne whispered to me during  Ms. Tanako's discussion.

Ah, okay lang. Sige.” Medyo alanganin kong sagot.

“Kailan mo ba nakitang nagreview yan kapag malapit na ang exams?”


May sumingit sa usapan kaya agad ko itong binalingan at inirapan. Wala naman akong ibang sinabi dahil doon. Hindi ako tumanggi, hindi rin ako sumangayon sa sinabi ni Blaze.




Sumulyap sa'kin si Dwayne at tipid lang na ngumiti.


“Kailangan mo ba ng kabatuhan sa reviewer? Kung oo, pwede naman kitang tulungan.”


“Sige.”



Mabilis na bumaling muli sa'kin si Dwayne at bakas sa mukha n'ya ang kaunting gulat sa pagpayag ko agad at sa pagdagdag pa kasi nyang suhestyon. Maya maya pa ay napalitan iyon ng malaking ngiti sa labi n'ya.



“After lunch?” May excitement sa kanyang pagkakatanong.


Maliit na galaw ang ibinigay ko bilang pagsangayon.


Libre na lang kita ng lunch mamaya. Any particular dish? Kung may cravings ka, sabihin mo lang? Irerequest kong ipaluto sa Caf mamaya.”


Hindi ako agad nakasagot sa sinabi ni Dwayne dahil saglit ko lamang s'yang tinitigan dahil sa sinabi n'ya.


Hindi pa man ako nakakaisip ng isasagot ay tumunog ang upuan sa gilid hudyat na tumayo si Blaze.



Saglit ko lang s'yang sinulyapan at hindi ko na sinundan pa kung saan s'ya pumunta. Narinig ko na lang ang boses ni Keia habang kinakausap na n'ya si Blaze.




“May problema ba kayo ni Blaze?”


Muling nakuha ni Dwayne ang atensyon ko.

Napaawang ng kaunti ang labi ko at napataas ang dalawang kilay. Hindi ko agad mahagilap ang isasagot ko.


Dahan dahan akong umiling dahil ang totoo n'yan, wala namang problema. Pero hindi rin ako sigurado.




“Wala naman. We're good.” Miski ako ay natunugan ko sa sarili kong boses na hindi ako sigurado sa sinagot ko.


Sumangayon na lang si Dwayne at hindi na nagusisa pa.

Bigla ulit tuloy akong napaisip.

Usually ba, ganoon talaga after confession? O baka naman nageexpect lang ako na may mababago?




Ang hirap na kasi kapain ni Blaze. Hindi ko naman nararamdamang naiilang s'ya sa'kin pero hindi ko rin naman nararamdamang umiiwas s'ya sa'kin. Pero para kasing..may nagiba?





Hindi pa ako sigurado. Pero ayaw ko s'yang pangunahan sa mga bagay bagay. Isa pa, s'ya ang umamin sa'kin. Hindi naman ako. Pero bakit parang ako itong umaakto na parang ako yung nagconfess? Bakit parang ako pa yung nakikiramdam?





Sadyang may mga times lang kasi na pakiramdam ko, parang walang nangyaring aminan. Magiisang linggo na mula ng pasukan. Wala namang nagbago. Hindi naman n'ya ako kinukulit. Hindi s'ya nagdedemand. Hindi s'ya kagaya ng dati. O baka dahil hindi naman n'ya na kasi ako assistant kaya ganito?




ELITESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon