Twenty Seven

2.9K 113 10
                                    

Malabo



“Oh my God Bes. Tinawagan mo talaga ako ng maaga para lang sa balitang yan?” sa boses pa lang nya, naiimagine ko na kung papaano umiikot ang mata nya ngayon.

“Gusto ko lang marinig sayo kung tama ang desisyon ko.” pinilit kong maiayos ang pagsasalita kahit medyo hinihingal na ako.

Para makapagusap kami ng ayos, ang kaninang mabagal na pagtakbo ko ay ginawa ko ng lakad pansamantala. Lalo lang nadaragdagan ang pagod ko kapag pinagsasabay ko ang pagtakbo at pakikipagusap kay Ellie via phone call. Ang hina pa man din ng dating ng boses nya sa earpiece na suot ko. Nabulahaw ko nga talaga ang tulog nya.

“Bago yan Bes ah? Usually hindi ka naman nagpapa-advice pagdating sa ganitong bagay.” this time, ako ang napaikot na ang mata sa sinabi nya.“Eh ano bang nararamdaman mo ngayon? Kasi ako kung tatanungin mo, parang wala lang. Wala namang dating. Kung tungkol siguro kay Dwayne at Blaze ang tinatanong mo,  baka magkainteres pa ako.”

Napatigil ako sa paglakad. Inilipat ko unconsciously ang earpiece ko sa kabila kong tainga.

“Bakit naman napasama sa topic ang dalawang yun?” I raised my eyebrow.

“Wala. Gusto ko lang. Malay mo mag-open ka.”

“At ano namang ioopen ko tungkol sa dalawang yun? Si Josh ang pinaguusapan natin Bes.” I calmly retorted.

“Pero hindi nga kasi ako interesado. Mas gusto ko si Dwayne, o kaya si Blaze.”

Ano ba itong pinagsasasabi ni Ellie. Ang layo naman ata sa topic.

“Tinanggihan ko ang offer ni Josh El. Bakit si Dwayne o Blaze ang tinutukoy mo? Paki-explain kasi hindi ko maconnect.”

Lumingalinga ako sa paligid. Bahagya pa ring madilim dahil alas kwatro pa lang ng madaling araw ng magsimula na akong magjogging. At ngayon, magaalas sinco pa lang ng umaga kaya nagaagawan na ang dilim at ang liwanag.


“Malay ko ba kung may offer din yung dalawa sa’yo. Hindi mo lang sinasabi.” base on her tone, I can sense that she's playfully grinning right now.


“Magtigil ka. I'll hang up.”


Hindi ko na hinintay ang pamamaalam nya bago ko patayin ang tawag. Pagtawa lang naman nya ang narinig ko eh.

Ang topic na yun lang pala ang makakapagpagising sa diwa nya.


Nagsimula na akong muling tumakbo. Paliko na ako ngayon patungo sa isang kilalang parke at isa ito sa mga destination ng mga kagaya kong nagjojogging ng madaling araw. Malawak at mahaba kasi ang dalawang lane sa gilid nito kung saan may mga nakahelerang puno na pumapagitna sa dalawang kalsada kung saan no vehicle allowed. Tanging mga namamasyal lang na naglalakad ang pwede.

May ilan akong kasabayan at kasunuran na nagjojogging. May dalawang nauuna sa akin at may isang kasunuran ko. Habang may bukod tanging nagiisang lalaki na nagjojogging ang nasa kabilang kalsada.

ELITESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon