An :Comments nyo na lang ang minsang nagiging dahilan ng pagbalik ko. :) Masaya akong mabasa na hinihintay pa rin ng ilan at yung ilang magagandang feedbacks nyo. Hindi ko man narereplyan pa, pero promise nakakataba ng puso.
Kamusta kayo? Ilang buwan na rin ang nakakalipas mula ng huling update ko..
••••
#ElitesArrange
••••“Nasaan ang kasama mo dito?” Tanong ko habang inililibot ang paningin.
“May mall tour sila ngayon. Ako lang magisa dito." Tugon nito habang tumitipa sa laptop na nasa center table. Nakakabit dito ang headset na ang dulo ay nasa iisang tenga n'ya.
“Hindi ko pa nakikilala ang kaibigan mo. Para sana kahit papaano mapasalamatan ko rin sa pagpapatira n'ya sa’yo dito.”
“Malabo yang iniisip mo. Alam mo naman sa showbiz.” Kurt chuckled a bit. Tumango lang ako.
Nakwento n'yang may pagkabigatin ang kaibigan n'ya kaya dito na muna s'ya pinatuloy. Wala naman daw kasing problema rito dahil wala naman itong kasama dito. Masyado raw malaki ang bahay para ito lang ang tumira. Bukod sa celebrity ito ay nasa ibang bansa raw kasi ang magulang nito kaya medyo mayamanyaman talaga.
“So..” Umayos ng pagkakaupo si Kurt at sumandal ng kumportable sa sofa. “ano ng plano mo?” Tumaas ang isang kilay n'ya sa'kin.
Hindi ako agad nakasagot kahit na alam ko ang tinutukoy n'ya. Bakit nga naman hindi? Eh halos lahat naman ata ay alam na n'ya. Halos lahat naman naririnig s'ya. Uh, scratch that. Intentionally n'yang pinapakinggan nga pala. Kaya nga halos kakambal na rin n'ya ang laptop na nasa harapan n'ya eh.
Minsan tuloy napapaisip ako at kinikabutan at the same time, siguro malamang minsan o baka madalas, ginagawa n'ya rin sa'kin yun ng hindi ko nalalaman?
“Malapit na tayong grumaduate sa HFA. Matatapos na ang taon. Masyado ng matagal ang ginugol mo sa mga bagay na hindi mo naman dapat inuuna. May mapapala ka pa ba kahit ipagpatuloy mo yan?” Halata sa boses n'ya ang pagkadisgusto sa pinaguusapan namin.
Alam kong malaki ang punto n'ya kaya parang wala akong maisip na ikatwiran.
“Worth it ba talaga kapag nakuha mo na ang gusto mong mangyari?” He meaningfully asked me.
Hindi muli ako nakasagot. Wala s'yang nagawa kung hindi ang bumuntong hininga na lang ng malalim. Mukhang s'ya pa ang mas nai-stress sa'kin.
Eh paano naman kasi, paulit ulit na lang na tungkol doon ang tinatanong n'ya kapag nagkikita kaming dalawa.
“Ilang buwan na lang ang bibilangin natin. Pagkagraduate na pagkagraduate natin, wala ng dahilan para balikan pa natin yung mga bagay na hindi na dapat balikan.”
Muling nagtipa si Kurt sa laptop at napatitig na lang ako sa kanya habang malalim na iniisip ang sinasabi n'ya.
BINABASA MO ANG
ELITES
Teen FictionHer name is Candid, not a typical girl you can mess up with. She was born to get her face hidden behind her mask and scarf. Too cold, timid and introverted. That's why they see every part of her as a mystery and an unusual puzzle to solve. Neverthe...