[Chapter 20 - Kain ^^ ]

3 0 0
                                    

(Trisha's POV)

Di ko talaga nararamdaman si Lance nitong nakaraan. Ahaay nako! Bahala na nga sya. Basta! Im soooooo excited na sa saturday!! ^___^ Subic here we go!!

Nandito nga pala ako sa parang parke namin. Tanungin nyo bakit, dali! Bakit? Kasi pinapatae ko si luffy. Aso ko. HahA. Di kasi sya makatae dun sa bahay e. Ang arteng aso! Haha.

"Hey Trisha." si Calvin yun ah. Ano na naman kaya ginagawa nun dito.

"Oh. Problema mo!" angas ko din nuh. Comfortable lang talaga ako dito kay Calvin e.

"Tapang ah! Kain tayo." wow. Gutom na din ako.

"At biglang nang-aya." pakipot muna sandali. Haha :D

"Bakit ayaw mo?!"

"Syempre naman. Oo! Alika na!" hahaha.. Pasimple e noh? Gutom na kasi ako e.

"Si luffy? Baka gusto mong ibalik muna sa bahay nyo?" tanong nya sabay turo dun sa aso ko.

"Di ba sya pwedeng isama?"

"Pinagsasabi nito!" at hinigit nya na ako papunta dun sa motor nya. Ibig sabihin nun uuwi pa kami. Pero malapit lang naman e.

"Hoy Calvin! Libre mo ito ha?! " sabi ko sa kanya.

"Ay! Hindi-hindi!" ay pilosopo din.

"Umayos ka nga.!"

"Syempre naman nuh. Pasalamat ko.... Mahal kita!" sabi nya pero di ko narinig yung last words.

"Salamat ako san?" tanong ko.

"Ay bingi!" sabi nya. Loko talaga!

"Ano kasi!"

"Pasalamat ka sa akin. Sabi ko! Kanino ka pa ba magpapasalamat! Ako yung manlilibre diba?!"

"Aba! Aba! Sumasagot!" haha. Pinagtritripan ko lang sya.

"Tanong ka ng tanong e." haha pikon talaga to kahit kaylan.

"With You" (First ever ^_^)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon