Winnie (Anabelle)One week passed, matapos nung pagkikita namin ni Miss Soriano ay masyado na siyang naging mailap sakin.
Kinabukasan kasi nun hindi kami nagkita kahit magkalapit lang naman kami ng tinutulogan, nakikita ko nga siya dito sa university pero walang pag uusap na nagaganap sa amin kasi tuwing lalapit ako sa kanya umiiwas agad siya.
Kapag nagpapa oral naman siya ay hindi niya ako tinatawag kahit mag taas pa ako ng kamay para kunin atensyon niya.
Hindi ata sinuyo ng boyfriend niya ang anteh niyo, nadadamay pa tuloy ako.
Malaya akong naglalakad papuntang kabilang building kong nasaan si Savena, sa isang linggo kasi na lumipas lagi akong tumatambay sa room nila kapag lunch time since hindi ko rin naman mabulabog si Miss Soriano.
And of course, i want to make sure din na walang mangbubully sa kapatid ko. baka kasi maulit na naman yung pangyayari noon sa restroom kong saan may sumampal sa kanya.
"Andito kana naman po." Agad na sabi ni Savena kahit hindi pa man ako nakalapit sa kanya.
"Parang ayaw akong kasama ah, ayaw mo ba sa dyosa na gaya ko?" Sabi ko na nagpailing sa kanya.
"Baka kasi maabutan kana naman dito nung kaaway mo, tsaka isang linggo na akong stress dahil sa inyong dalawa."
Napatawa naman ako dahil mukhang stress na nga siya kahit wala pa yung isa.
Mula kasi nung ginawa kong tambayan itong room nila ay palagi na rin nakaaligid sa kanya yung secret admirer niya na pinagbantaan ako last week.
Sa tuwing andito ako ay walang minuto na hindi siya nakipag talo sakin kasi masyado akong clingy kay Savena. one time nga nung pangalawang punta ko rito ay may nabuhos sakin na pintura na nagmula sa itaas ng pintoan.
At siya pala ang may gawa non kaya bilang ganti ay inaraw araw ko na ang pagpunta dito kasi yun ang pinaka ayaw niya.
Hindi pa nga sila ng kapatid ko pero binabakod na.
Pero deep inside naiinggit ako kasi walang bumabakod sakin kasi dedma lang ako palagi kay Miss Soriano.
"Wala ka bang napapansin dun sa laging nakabuntot sayo?" Tukoy ko sa secret admirer niya kuno kasi hindi ko pa alam pangalan niya.
"Ahm pagiging weird lang niya yung napansin ko." Saglit niya ako binalingan ng tingin at binuklat niya sa kasunod na page ang librong binabasa.
"Alam mo, chikahan muna tayo. mamaya kana magbasa." Kinuha ko ang librong nakapatong sa desk niya at iginilid.
Puro nalang kasi siya basa para daw may stock knowledge kahit matalino naman na siya.
Well, nasa dugo na namin yon. takot lang siguro siya na baka bumagsak lalo na't scholar siya dito.
"Kailan ka poba mawawalan ng ichichika sakin?" Buntong hininga niyang saad.
"Pag hindi nako nakakapag salita." Napailing nalang siya dahil sa sinabi ko.
"Stop bothering her, mas madikit kapa sa linta kong makadikit."
Napalingon ako sa likuran namin dahil sa nagsalita, hindi ba 'to napapagod kakapunta dito? ang alam ko kasi is sa pangatlong building to.
Tumayo ako at ngumiti ng mapang asar sa kanya "Parinig pa more sa sarili." Sabi ko sabay kindat sa kanya. "By the way, aalis na pala ako babe." Paalam ko kay Savena.
Natatawang lumabas ako sa classroom nila Savena, gosh! nangilabot ako dun sa babe kahit ginamit ko lang naman na pang asar yon.
Wala ako sa mood makipag talo sa kanya ngayon kaya siya na muna bahala sa kapatid ko.