Anabelle (Winnie)Manghang nakatanaw ako sa bawat madadaanan namin. nagtataasang mga building, mga taong may kanya kanyang deriksyon ang lakad, at ang mga maliliit na tindahan sa gilid ng kalsada.
I feel alive.
Ang sarap lumanghap ng hangin. ramdam ko ang kalayaan.
Papunta kami ngayon sa sinabi ni grandpa na tutuloyan ko. muntik pa nga hindi matuloy ang pag alis ko sa mansion kanina kasi pinagtripan ko yung mga guards sa labas. hindi ko naman kasi alam na ngayon pala ang alis ko kaya ayon nalang ang ginawa ko. buti nalang ay nadaan ko si grandpa sa mga puppy eyes ko.
He can't say no to me kasi nag iisang alas nalang niya ako na magmamana sa yaman niya. at syempre iyon din ang ginagamit kong alas para mauto ko siya.
"Malayo paba tayo?" Tanong ko kay victor na walang imik na nagmamaneho.
Bata palang itong si victor ay nasa mansion na siya. hindi ko alam saang lupalup ba siya napulot ni grandpa. hindi na rin nakakapag taka na sunod sunuran siya sa mga gusto ni grandpa.
"Malapit na, nagugutom kana ba?" He ask
Agad nagliwanag ang mga mata ko dahil sa tanong niya.
"Hindi ba halata? halos limang oras kaya tayong nagbyahe tapos hindi pa ako nag breakfast." Maktol ko
"Ang dramatic mo, hindi pa nga nag isang oras e." Pabalang niyang sagot na sinuklian ko lang ng irap.
Tahimik lang talaga 'to pero batak naman mang asar.
"Gusto ko kumain don, libre ba pagkain nila r'yan?" Turo ko sa maliit na bahay sa gilid ng kalsada
Mayroon kasing table sa gilid at mga taong kumakain sa labas. first time ko kakain sa ganitong lugar kaya I don't know what they called that.
"Maganda talaga taste mo when it comes sa foods. akala ko kasi sa mamahaling restaurant ang ituturo mo." Pointless na sabi ni victor at nag parking sa paradahan ng sasakyan.
"Kung mamahaling restaurant ang ituturo ko may ipangbabayad kaba?" Umiling naman ito sa tanong ko.
Wala kasing binigay sa akin si grandpa na cards. hindi kona nga alam saan ako kukuha ng kakainin ko kapag nakarating kami sa dorm ko. feeling ko tuloy itinaboy na ako ni grandpa.
Pagbaba ko palang ng sasakyan ay dumapo na sa akin ang maraming tingin ng mga taong kumakain dito. kung hindi lang makapal ang mukha ko ay nakaramdam na ako ng hiya, pero hindi e kaya susulitin kona itong kakapalan ng mukha ko.
"Ngayon lang ata sila nakakita ng batang kalye." Natatawang saad ng katabi ko.
"Don't be harsh to yourself, bro."
May ngiti sa labing naglakad ako sa mga pagkaing nakahelara. isa isa kong binuksan ang mga kaldero dahil nakatalikod ang babaeng nagbabantay ata rito.
"Kaka disappoint naman, akala ko maglalaway ako sa mga pagkain dito." Dismayadong sambit ko nang hindi ko nahanap ang gusto kong kainin.
"Feel free to go if you don't like the foods." Malamig na sabi ng babae.
"Talaga, magpapa order nalang ako kaysa kumain ri-- Holy shit!" Muntik na mapatalon ng mag angat ako ng tingin
Oh guys, don't tell me na itong magandang babae na ito ay waiter dito? wala sa ganda niya ang waiter. I mean, hindi halata sa kanya kasi ang perfect niyang tignan nakasuot pa nga ito ng blazer na hinarangan lang ng apron nitong suot. mukhang nakaheels pa ito dahil sa sobrang tangkad niya.