Winnie"I need answer with explanation, mr fuentes. naiintindihan mo ba ang sinasabi ko o hindi? do you want me too translate it in filipino?"
Palipat lipat ang tingin ko sa dalawang kanina pa ata nagkaka initan. tinanong kasi ni Miss Soriano kung bakit pinili ni victor ang kursong business pero ang sagot lang niya 'I choose this course ma'am because this is what i want.' eh yung isa naman ayaw makuntento kasi pinipilit niyang magsagot si victor na with mahabang explanation.
"I already answered your question, Ma'am." Lakas loob na sabi ni victor.
"You choose this course because you just want and nothing else? kapag ba tinanong kita kung bakit mo pinili ang girlfriend mo isasagot mo rin ba you just want her and nothing else?" luh si ma'am dinala na sa girlfriend ang usapan, napalunok si victor dahil sa tanong ni Miss Soriano.
"No ma'am, magkaiba po ang question kaya magkaiba rin po ang isasagot ko." Hirit pa ni victor na siyang ikinairap ni Miss Soriano.
"Sit down." Utos niya kay victor. napaiwas ako ng tingin ng sa pwesto ko naman siya tumingin, ako na ata ang next target lock ni Ma'am.
"Miss Vergara, stand up." Utos niya sakin pero nagkunwari lang akong walang naririnig.
"Minus 10."
"Yes ma'am? may i-uutos po kayo?"
Nagsitawanan ang mga kaklase ko dahil sa bigla kong pagtayo. sino ba naman ang hindi mapapatayo e hanggang 10 lang yung ni quiz namin kanina tapos gusto pa niyang minusan ng 10. hindi pa nga ako sure kung makaka perfect ako e.
"Why did you choose this course?"
Hindi ko alam, si grandpa naman ang may gusto nito e, hindi ako
"Gusto ko po kasi maging engineer." Nakangiti kong sagot.
"Okay, sit down." Walang kagana gana niyang sambit at tumalikod na.
Hindi man lang siya nagalit na ang layo ng sagot ko sa tanong niya? ano ba naman yan. balak kopa sana siya inisin e, kaso mukhang nabasa na niya ang iniisip ko.
May natitira pa siyang 20 minutes na time sa amin kaya ipinagpatuloy na niya ang pagtuturo niya na naputol kanina kasi hindi niya tinantanan si victor.
"Tulongan kona po kayo magdala." Offer ko kay Miss Soriano ng tulong dahil mukhang nahihirapan siya dalhin ang mga gamit niya.
"No need, i can manage to bring it." Pagtanggi niya at lumabas na walang kahirap hirap na dinala ang mga gamit niya.
Pero dahil gusto ko siyang asarin ngayon ay palihim akong sumunod sa kanya. nakangiti lang akong nakasunod sa kanya habang nakatingin sa mala model niyang lakad, kahit likod palang ay mahahalata mona ang mala anghel nitong mukha.
I admire everything about her.
"Miss Vergara." Napahinto ako ng marinig ko ang pagtawag niya sa akin.
Gusto ko nalang tampalin ang noo ko dahil kung hindi niya ako tinawag ay baka sa office ng dean ako makarating.
"What are you doing here? you still have a classes in this time." Nagtataka niyang tanong.
"Wala daw po kaming pasok sa time ni Ma'am Camorra."
Wala daw kaming pasok sa time niya sabi ko.
Lakas ng loob ko magsinungaling e magkaibigan pala sila ni Miss Camorra kaya malalaman niya agad na nagsinungaling ako.
"Go back to your classroom." Utos nito pero bumusangot lang ako sa harapan niya.
Wala itong pasabing tinalikuran ako at binuksan ang office niya. pero bago pa niya masara ang pintuan ay pumislit na kaagad ako.