Winnie (Anabelle)
Nagising ako dahil sa malakas na katok sa pinto at pagtawag sakin ni victor, teka anong oras naba at nambubulabog na naman siya.
Sa pilitan akong bumangon at binuksan ang pinto.
"What do you need?" Nakapikit kong tanong sa kanya
"Si senorito dinala raw sa hospital." Rinig ko sa boses nito ang pag aalala, napamulat ako agad dahil sa narinig.
"Bakit anong nangyari?"
"Mamaya mo nalang itanong yan kapag nasa hospital na tayo dahil baka wala ka pang maabutan."
Nagmadali akong lumabas kahit sobrang gulo ng buhok ko at naka pajama lamang, basta ang gusto ko lamang ay makarating ng hospital at maabutan si grandpa ng buhay.
Isang Van ang naabutan ko sa labas kaya ka agad na akong sumakay dahil alam kong ito ang susundo sa amin, nang makasakay si victor ay agad na rin kaming umalis.
"Ano ba talaga ang nangyari bakit siya nasa hospital?"
"Nabaril siya, sigurado akong isa sa mga nakaalyado niya ang may gawa nito."
"Kaalyado na naman?" Mahina ngunit may bahid na pagtataka kong tanong.
Puro nalang ba kaalyado ng pamilya namin kaya laging nasa kapahamakan ang buhay namin? hanggang ngayon hindi ko pa rin makuha ang matagal ko ng mga katanongan.
Pero paano ko nga ba makukuha kong hanggang ngayon wala pa rin akong ginagawa upang mahanap ang taong may gawa nang lahat ng to.
"Kamusta po ang pakiramdam niya?" Tanong ko sa doctor ni lolo.
"Stable na ang lagay niya, baka bukas ay magising na siya."
"Thank you po." Tumango lamang ito at nag paalam nang lumabas.
"Bakit kasi hindi mo nalang ipamigay sa ibang tao yang yaman niyo." Natatawa kong saad
Naupo ako sa tabi niya at hinawakan ang kamay niya "Gising na grandpa, hindi pa handa si satanas na makita ka" I chuckled.
Kung tutuosin ay mas nagpakatatay pa siya sa akin kaysa kay daddy, kahit pa siguro araw araw ko painitin ang ulo niya hindi niya ako itataboy.
Syempre mawawalan siya ng tagapagmana e. tapos magandang apo.
Kinuha ko nalang ang cellphone ko para malibang naman ako kahit papaano, medyo ramdam kopa kasi ang antok dahil 4:00 AM pa lang,
Nabalita pala yung nangyari kay grandpa. kalat na kalat kasi every scroll ko ay siya ang lumalabas. nagbasa rin ako sa comments pero nairita lang ako dahil sa mga negatives comment nila about grandpa.
"Matulog kana muna." Muntik nako mapasigaw dahil sa nagsalita sa likuran ko.
"Hindi nako kumatok kasi nakabukas naman yung pinto." Sabi niya ng mapansin ang inis sa mukha ko.
"Required lang ba kumatok kapag nakasara ang pinto?" Irita kong saad na tinanguan lang niya.
Inis akong tumayo at sinabihan siyang bantayan muna si lolo dahil balak kong bumili ng makakain namin, akala ko kasi bumili siya ng pagkain hindi pala
"Senorita saan po kayo tutungo?" Tanong sakin ng isa sa mga tauhan ni grandpa
Kung alam ko lang na may tauhan pala si lolo na nagbabantay sa kanya ngayon ay sana si victor nalang inutosan ko, pinaka ayoko kasi ay yung may umaaligid sakin na bodyguard dahil masyadong makaagaw atensyon, buti nalang nga at walang tao na dumadaan.
"Edi sa tutungohan." Pamimilosopo ko sa kanya
"Samahan ko na po kayo."
"Lubayan mo ko masamang nilalang."
