Winnie (Anabelle)
"May balak kapa palang pumasok." Sabi sa akin ni Victor kahit hindi pa man ako nakaupo.
Saktohan talaga pagdating ko kasi kakalabas lang ni Prof Camorra. buti nga ay hindi niya ako napansin nung paglabas niya dahil nagkasalisihan kami.
"Mind your own business."
"Paano ba yan wala akong business? pwede bang ikaw nalang i-mind ko?" Ito na naman siya sa mga pagiging random niya.
Napapadalas na pagiging ganyan niya sakin sa tuwing binabara ko siya, laging may banat sa huli niyang sasabihin kahit wala namang connect.
"Crush mo ba ako?" Kusang lumabas sa bibig ko pero umarte lang akong seryoso.
"What if I am?" Hindi ko inaasahan na sagot niya.
Natahimik ako saglit pero nawala rin yon kaagad kasi humalagpak ako ng tawa. awkward din siyang napatawa.
"Nice joke ah, muntik ko na seryosohin." Sabi ko at may pahawak pa sa tyan.
"Akala ko nga seseryosohin mo kasi bigla kang nanahimik."
"Akala mo lang, tsaka wala kang chance sakin kaya wag kang magkakagusto sakin. ang ganda ko pa naman."
"Ang hangin mo talaga." Sabi niya at pinisil ang pisnge ko.
Dumating na yung isang prof namin kaya namalagi na naman yong katahimikan sa buong klase. terror kasi to e balak pa atang higitan si Miss Soriano, pero iba pa rin si Ma'am pagdating sa pagtuturo kasi sinisigurado niya na naiintindihan namin ang bawat dinidiscuss niya.
"Pahiram nga ng phone mo. maglalaro lang ako" Kalabit ko kay Victor.
"Mamaya na, makinig kana muna dyan kung ayaw mo mapalabas."
Kinirot ko ang tagiliran niya kaya napaaray nalang siya, plastic din ng isang 'to e kunware interesado sa tinuturo ng prof namin ngayon pero ang totoo nagpipigil lang siya ng antok kasi takot mapagalitan.
"Miss Vergara, are you discussing something to Mr Fuentes? mind to share it with us?"
"May share it ka po ba Ma'am?" Balik kong tanong sa kanya kaya halos mamula na siya sa galit.
"Two of you get out!" Sigaw nito at tinuro yung pintuan.
Tahimik kong kinuha yung bag ko kasi pagod na rin ako makipag plastic na nakikinig ako sa discussion niya kahit hindi naman talaga.
"Maglagay kayo ng tig iisang libro sa kamay niyo at wag niyong tatanggalin hangga't hindi ako nakakalabas." Pahabol pa niyang sabi.
"Nadamay pa ako." Malungkot na sambit ni Victor at inabot sakin ang libro.
"Kunware kapa ayaw mo rin naman sa kanya e."
Inilapag ko yung libro sa sahig at ginawang upuan, akala niya susundin ko siya? nah asa siya.
"Tumayo ka nga dyan, kaya mainit dugo nun sayo kasi ang pasaway mo." Saway sakin ni Victor pero tinakpan ko lang tainga ko.
Katamad pala talaga mag aral. ginaganahan lang ako makinig kapag si Miss Soriano na yung nagtuturo the rest na prof ay hindi ko nalang alam, hindi naman kasi ako interesado sa kursong ito kaya naboboringan ako.
Desisyon kasi masyado si grandpa, pero ginawa lang niya siguro 'to kasi ako ang magmamanage ng ibang companies namin.
Minsan naiisip kong mag shift pero nag aalanganin ako kasi baka ibalik lang niya ulit ako sa mansion at hayaan na talaga akong mabulok ro'n.