Winnie
Buntong hininga ako naglakad sa table namin dahil hindi na rin naman ako naiihi. first day ko palang dito pero naiirita na ako sa ibang studyante rito, lalo na sa babaeng mukhang palaka. kung wala lang kami kasundoan ni grandpa ay naiuntog kona 'yon sa pader.
"Ni rape kaba ng restroom?"
"Ni rape ako ni Miss Soriano." Inosente kong niyakap ang sarili.
"Sana okay kalang."
"Panira ka ng trip." Padabog akong naupo "Asan na yung dalawa?" Tanong ko ng mapansin kong wala na siyang kasama.
"Umalis, wala raw tayo pasok mamaya."
"Talaga? so pwede na tayo mag ikot nyan." Nakangiti kong sabi.
"Ayan na nga ang nasa isip ko." Sabi nito at kinuha ang bag niya "Tara na, baka magbago pa ang isip ko."
Dali dali naman akong tumayo at kinuha ang bag ko, saktong paglabas namin ay nakasalubong namin si Miss Soriano na naka poker face lang. nakangiti ko siyang binati pero nilagpasan lang niya kami na parang hindi nag e-exist sa mundo.
"Sungit ng sugar plum plum ko." I said and pouting.
"I told you, kaya tigil mona yang kalokohan mo."
"Wala ka naman sinabi."
"Masyadong straight 'yon si Miss, baka nga mas straight pa siya sa ruler." Ani ni victor at nauna ng maglakad.
Parang batang sumunod ako dito at pinadala sa kanya ang bag. naiiling naman niya itong kinuha.
"Paano mo alam? close ba kayo?"
"Nope, nahahalata ko lang sa mga kilos niya."
"Crush mo siya 'no?" Tanong ko rito na nagpatawa sa kanya.
"May boyfriend na siya."
Nawala ang ngiti sa labi ko dahil sa sinabi niya. kunwaring nasasaktan ako habang nakahawak sa may bandang puso ko, nagtataka namang tumingin sa akin si victor.
"Nangyare sayo?" He ask
"Wala, pwede ko naman siya agawin sa boyfriend niya."
Umayos ako ng tayo at ngumiti na parang bata. bakit ako masasaktan kung pwede ko naman siya agawin o kaya ilibing ng buhay 'yong boyfriend niya.
"Wag mona subokan, you should know your limits when it comes sa ganyan. baka lalo lang maging mahigpit sayo si senorito kapag nalaman niyang iba ang ginagawa mo." Pagbibigay na naman niya ng advice.
"Hindi niya malalaman kong hindi mo sasabihin." Nakasimangot kong sabi.
Napabuntong hininga naman siya "Kahit hindi ko sabihin malalaman at malalaman niya parin. alam kong hindi lang ako ang pinagbabantay niya sayo, kaya dapat maging maingat ka sa bawat kilos mo kung ayaw mopa bumalik sa mansion."
Napaisip naman ako, tama naman siya. marahil hinayaan nga ako ni grandpa sa kagustohan ko pero hindi ibig sabihin non ay magagawa kona lahat ng gusto kong gawin. kung matalino ako pagdating sa kalokohan siya naman mautak pagdating sa mga kalokohan ko. alam na alam niya ano tumatakbo sa utak ko
"Ayan ang department ng mga architecture. iyong sa kabila naman ay engineering." Turo ni victor sa kabilang buildingKalukoyan kaming nag iikot ngayon habang si victor naman ay kung ano ano ang itinuturo sa akin. ang dami na nga niyang sinabi pero wala naman ako naalala kahit isa kasi tumitingin din ako sa paligid.
Medyo hindi karamihan ang students kasi umuwi na ata ang iba since wala naman kaming pasok.
"Nakikinig kaba?"
