3

447 22 17
                                    

Winnie

Nakangiting nakatanaw ako sa nagtataasang mga building at malawak na kapaligiran. ngayon lang ako nakapasok sa ganitong kalawak na universidad kaya para akong ligaw na bata habang nakangiting nakamasid sa paligid.

"Bilisan mo, malalate na tayo." Sabi ni victor na nakasunod lang pala sa akin.

"Una kana, mag iikot muna ako." Nakangiting sambit ko.

Parang ang sarap kasi mag-ikot dito tapos hahanapin ko yung magandang babae.

"Hindi pwede, first day mo ngayon kaya hindi ka pwede lumiban sa klase. tsaka pwede kapa naman mag ikot mamaya kapag lunch time para masamahan kita." Napasimangot nalang ako at no choice na sumunod sa kanya.

Classmate ba kami?

"Classmate tayo?" I asked victor.

"Yup, kagabi ko lang din nalaman kasi tinawagan ako ni sir magnus." Sagot niya "Nga pala, Winnie Kelly Vergara ang gagamitin mong pangalan. kung tatanongin ka man mamaya kung saan ka galing na school sabihin mo sa Bermuez university ka galing." Dugtong pa niya.

Bahagya akong napangiwi dahil sa sinabi niyang name.

Winnie Kelly Vergara.

Hindi expensive pakinggan pero masyadong soft, kumbaga nababagay siya sa mga soft girl. hindi kagaya kong siraulo at kulang ng turnelyo sa utak.

Pero okay na rin 'yan, ang mahalaga wala na ako sa mansion.

Pagdating namin sa loob ng room ay pinagtitinginan na ako ng karamihan sa loob. ang iba pa ay nagbubulongan habang nakatanaw sa gawi namin ni victor.

"Dito kana maupo sa tabi ko." Turo ni victor sa katabing upoan niya.

Naupo nalang din ako at nginitian ang mga tumitingin sa akin. gusto kona sila kaibiganin lahat tapos ihulog sila isa isa sa building.

"Good morning, everyone." Rinig kong sabi ng isang babae kasunod non ang pagtunog ng takong ng heels at pagtahimik nang nga nagbubulongan.

Ang ganda niya.

That's all I can say.

Sabay sabay tumayo ang tao sa loob at binati ang babaeng kararating lang. habang ako ay nanatili lamang nakaupo at nakatingin sa kanya na puno ng paghanga.

Tumango lang ito sa mga pagbati sa kanya pabalik bago dumapo ang tingin niya sa akin.

"Sit down." Sabi nito pero sa akin parin siya nakatingin. "Transferee?" She ask. nanatili lang akong nakatingin sa kanya dahil hindi ko alam kung ako ba ang tinatanong niya.

"Yes, ma'am. she's a trans--"

"I'm not asking you." Putol nito sa sasabihin ni victor. "Introduce yourself." Sabi nito.

Siniko naman ako ni victor kaya inirapan ko siya bago tumayo. "Ano po muna pangalan niyo?" Nakangiti kong tanong.

"Introduce yourself first, miss stranger." Walang emosyon nitong saad.

Ngumiti naman ako ng malawak at inayos ang tindig. "I'm Winnie Kelly Vergara, but you can call me winnie or baby for short. pero ikaw lang po ang pwedeng tumawag sa akin nyan kasi sayo lang naman ako nagpakilala." I said and smiled at her sweetly.

Rinig kopa ang pigil tawa ng mga classmate ko dahil ata sa sinabi ko.

"You may take your sit, Miss Vergara." Hindi nito pagpansin sa sinabi ko.

"Hindi niyo pa po sinasabi ang pangalan niyo." Sabi kopa at sumimangot.

"Winnie." Pagsaway sa akin ni victor pero ngumiti lang ako sa kanya.

WHO'S THE KILLERWhere stories live. Discover now