Chapter 10

2 0 0
                                    

"Magkakilala kayo?"seryusong tanong ni Redz matapos lumapit sa akin ni Kenry at hinalikan pa ako sa pisnge.

"sya pala yong nakukwento mo sa aking babae akala ko magkapangalan lang sila,iisa lang pala"napayuko ako,gusto kong tignan ng masama si Kenry para manahimik na.

"ilang buwan na ba tayong hindi nagkita,gumanda ka lalo hah"nanigas ako sa kinatatayuan ko ng akbayan pa nya ako,hindi ko magawang tignan si Redz na bahagyang dumistansya sa akin nong hinalikan ako sa pisnge ni Kenry.

"paano kayo nagkakilala?"nang lingunin ko si redz walang emosyon itong nakatingin sa balikat ko kung saan nakapatong ang kamay nitong kababata nya.Mabilis akong lumayo rito at lumapit sa kanya.

Rinig ko pang natawa si kenzy,pero ako hindi natatawa dahil nagsisimula na akong magsisi na pumunta pa ako dito lalo na ang nakilala ko sya bilang kababata ni Redz,sana hindi ko na lang nalaman.

Bat ba ang liit ng mundo?

"she's my ex bro"napatingin ako kay kenzy ng sabihin nya yon,hindi ko alam pero ramdam ko ang pagkasarcastic sa sinabi nyang yon.Mabilis din akong napatingin kay Redz,hindi ko gusto ang paraan ng tingin nya, nasasaktan na ako kahit wala pa syang sinsabi.

Mabuti na lang dahil dumating ang iba pa naming kasama,nilapitan iyon ni kenzy.Gusto kong magsalita pero ayaw makisama ng bibig ko.

Buong dinner namin,malamig ang pakikitungo sa akin ni redz,hindi lang nya pinapahalata sa iba pero pag kaming dalawa nalang,kung umasta sya parang hindi kami magkakilala.

Ang dinner na akala ko magiging masaya ay ganito ang kinahinatnan,ramdam ko ang pagkatamlay ng buo kong katawan halos hindi ko na nagalaw ang pagkain sa harap ko,dahil ang tanging tumatakbo sa isip ko ay makausap si Redz na kaming dalawa lang.

Nang magpaalam na kami kay kenzy,maayos naman ang pakikitungo nya sa kababata kumpara sa akin habang ako binati ko nalang si kenzy ska nauna ng lumabas ng restaurant.

Pagkasakay ko sa kotse nya,parang gusto ng bumagsak ng mga luha ko.

Nagiging iyakin na ako masyado!

Akala ko magagawa ko na syang kausapin pag kaming dalawa nalang pero buong biyahe hindi kami nagkibuan hanggang sa huminto na kami sa tapat ng dorm ska ko lang nagawang magsalita .

"I'm sorry"iyon ang unang lumabas sa bibig ko.Hindi man lang nya ako tinignan,nakaramdam tuloy ako ng panliliit sa sarili ko.

"hindi ko sinabi sayo,kasi hindi ko alam na iisa pala si Ken na kababata mo at si kenzy na nakilala ko sa dati kong school"halos utal utal na sabi ko,napatingin na lang ako sa kamay kong di mapakali,pinipilit kong pigilan ang panginginig ng mga ito.

"pero hindi mo rin sinabi sa akin na may naging boyfriend ka pala sa dati nyong school"seryusong sagot nya.Mariin akong napapikit hindi alam ang sasabihin.

"sorry"iyon na lang ang nasabi ko, pakiramdam ko kasi pag may nasabi ako mas lala lang itong missunderstanding namin.

"sorry?para saan?dahil naging kayo ng kababata ko o dahil hindi mo sinabi sa akin?"ilang segundo akong nag-iisip ng sasabihin dahil ayokong may masabi akong ikaka offend nya.

"ano?nagiisip ka ng ipapalusot mo-"

"hindi naman kasi lahat kailangan alam mo diba?"nagulat din ako dahil yon ang biglang lumabas sa bibig ko,mabilis akong nagsisi lalo na ng makita ang gulat at disappoiment sa mukha nya.

shit diko sinasadyang sabihin yong ganon, naramdaman ko agad ang pangingilid ng mga luha sa mga mata ko.

"ah ganon ba,kung ganon hindi rin naman pala kailangan alam mo lahat ng tungkol sa akin at mga ginagawa ko"gusto ng pumatak ng mga luha ko,pero pinigilan ko,ayokong isipin nyang nagpapaawa ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 4 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chasing Star Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon