Chapter 6

1 0 0
                                    

"Anong ginagawa mo dito?"kunot noong tanong ko,natigil sya sa akmang pagyakap sa akin at parang na-offend sa tanong ko.

Maarte pa syang napahawak sa dibdib nya.

"duh kinakamusta ka,tinitignan ko kung worth it ba lahat ng pinaghirapan mo"double meaning na sabi nya,napaiwas ako ng tingin at nilapag ang bag sa study table ko.

"ay parang hindi ka naman pala nahirapan"dagdag pa nya na nagpakaba sa akin,ano nanaman bang kaartehan nya at andito sya ngayon ginugulo ako?

at pano ba sya nakapasok dito sa kwarto ko?

"mag iisang oras na ako dito,pinapasok na ako ng may ari dahil sinabi kong magpinsan tayo"tumingin sya sa paligid ng kwarto ko.

"bakit hindi ka kumuha ng mas malaking kwarto?"umiling ako ska seryuso syang hinarap.

"ano ba talagang kailangan mo?"ngumiti sya sa akin at naglakad palapit.

"ano ka ba,i came here to see you"inayos pa nya ang bangs ko.

"ska para na rin tanungin kung napag-isipan mo na ng mabuti yon-"inis akong lumayo sa kanya.

"ayoko,ayoko erize"mabilis na sagot ko,napasimangot sya at bumalik sa pagkakaupo sa kama ko.

"sabagay malaking pera na kasi yong nakuha mo non diba?talagang aayaw ka na"ayaw ko ng marinig ang tungkol don,at halatang nananadya sya.

Hindi talaga ako natutuwang makita ulit sya.

"pero kahit gano naman kalaki,hindi pa rin sapat yong 80 thousand,para sa pagaaral mo sa college,siguro matutustusan ang 1st year mo pero pano sa mga susunod diba?lalo na't umpisa palang ng school year mo ngayong grade 12"nagsalubong ang kilay ko,kahit kailan wala talaga syang magandang sasabihin.

"umalis kana"iyon lang ang nasabi ko,kita ko pang nainis sya sa sinabi ko pero binuksan ko na ang pinto ng kwarto ko at sinenyasan syang lumabas na.

"ayaw mo talaga?"tumayo sya at parang nandidiri pang pinagpag ang pang upo nyang umupo sa kama ko.

sipain ko na kaya toh,ang arte busit!mas madumi pa naman sya kung tutuusin.

"ayaw ko erize,kaya wag ka ng babalik dito para lang sabihin yang mga ganyang bagay"inirapan nya ako at lumabas ng pinto pero bago sya tuluyang umalis may sinabi pa sya.

"miss ka na talaga ni kenzy"nakakalokang ngisi ang iniwan nya sa'kin bago umalis,pinag tinginan pa sya ng mga ka dorm ko pero para lang syang model na rumampa palabas.

Sinira ko ang pinto at hindi na hinayaan ang isip na isipin pa ang mga pinagsasabi ng pinsan ko.Pagkabihis ko lumabas ako para bumili ng pwede kong lutuin bukas.

Maaga ako pumasok kinabukasan,bitbit ko ang dalawang lunch box,pagpasok ko sa bodega napapangiti ako ng makita don si Redz,bahagya lang ako nagulat ng makitang nagyoyosi ulit ito.

"oy tara kain"aya ko sa kanya,umupo ako sa harap nya at inayos ang table sa pagitan namin.Tinignan nya lang ang ginagawa ko.

"dalawang beses na kitang nagyosi,bisyo mo na yan noh?"nilabas ko ang dalawang lunch box at pinatong yon sa ibabaw ng table.

"magkakasakit ka nyan"sabi ko pa,nilingon ko sya walang emosyon lang syang nakatingin sa akin.

"itigil mo yan-char baka isipin mo na ang pakialamera ko na sobra"natatawang sabi ko.

"tara na kain,luto ko toh"tumaas baba pa ang kilay ko habang nakatingin sa kanya.

"wag mo na ring subukang tumanggi dahil masama tumanggi sa grasya"inabot ko sa kanya ang kutsara't tinidor pero tinignan lang nya yon,kaya pilit kong pinahawak sa kanya.

Chasing Star Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon