Chapter 2

4 0 0
                                    

"hoy el"mabilis akong napatingin kay lovely,nagpipigil ito ng tawa agad akong lumapit sa kanya at palihim syang kinurot.

"muntik ng tumulo ang laway mo kakatitig kay Redz nakakahiya gago"bulong pa nya,sinamaan ko sya ng tingin at sinabing iihi lang ako nang makitang parang narinig ni Redz ang sinabi nito.

Nang magsimula kaming manood,grabe ang kaba ko hindi dahil horror yung pinapanood namin kundi dahil kasama naming nanonood si Redz.

Nang sumunod na Linggo gusto kong pokpokin ang sarili ko dahil nagsisimula na akong gumawa ng spoken poetry tungkol sa kanya,nahihiya ako sa kagagahan ko pero alam kong crush ko lang talaga sya.

oo tatangapin ko na sya,inspirasyon lang sa araw araw na pagpasok ko noh!

Grabi lumalala na tong pagkacrush ko sa kanya,pano ang galing nya din sa acads madalang sa lalaki yong ganon.

"May assignment kana?pakopya hah"tumango lang ako kay lovely at hinayaan syang kunin ang notebook sa loob ng bag ko,nagpatuloy ako sa pagtingin tingin kay Redz na nagdo drawing sa isang gilid.

"Unang araw ng pasok-"mabilis akong napatingin kay lovely ng sabihin nya iyon,nanlaki ang mga mata ko ng makitang hawak nya ang notebook kung saan nakasulat ang spoken poetry na ginawa ko para kay Redz .

"hoy tarantadoo!"hinablot ko sa kanya ang notebook habang sya tawang tawa,nakatingin na rin sa amin ang iba naming classmate

"Crush ni El si Redz!"parang biglang gusto kong manigas at maging yelo't malusaw na lang sa kinatatayuan ko ng isigaw nya yon.

Lalo na ng mapatingin sa gawi namin si Redz.

"Hoy lovely!"mangiyak ngiyak na sabi ko hindi ko alam ang sasabihin ko,should I deny it?or mag-walk out nalang.

Hindi kona nagawa ang isa sa dalawang yon,lalo na't inasar asar na ako ng mga classmate namin.Nang tignan ko si Redz agad din akong napaiwas ng tingin dahil kita ko ang inis sa mukha nya habang naririnig ang tukso ng mga classmate namin.

"nakakahiya gago"masama ang tingin na sabi ko kay lovely,habang kumakain kami ng lunch,tinawanan nya ako at nagpatuloy sa pagkain nya.

"may mga nagkaka-crush din sa kanya,patago lang,kung ako sayo magpapansin ka sa kanya"makademonyong bulong pa nya.

"mapupuno ng kahihiyan ang whole school year ko pag ginawa ko yan"napapailing na sabi ko.

"eh pano kung gusto ka rin nya?"sinamaan ko sya ng tingin at uminom ng tubig.

"hindi ko sya gusto"napapailing na sabi ko.

"ah oo nga pala crush mo lang si Redz"biglang malakas na sabi nya,napatingin sa amin ang ilan sa mga classmate namin kumakain din,ang iba inasar asar nanaman ako, binaliwala ko yon at kinakabahan na napatingin sa pinto baka biglang pumasok si Redz.

jusko po!

"pero what if crush ka din nya?"bulong ulit sya sakin,umiling ako,malabo yun kitang kita ko sa kanya ang inis nang marinig na crush ko sya.

Lumipas ang isang linggo,patuloy ang pang-aasar sa akin ng mga classmate ko lalo na sa twing nasa paligid namin si Redz,syempre hiyang hiya ako noh eh mukang si lovely lang naman ang walang hiya sa amin eh.

"tinatamad ako ikaw nalang"sabi ko kay lovely ng magaya syang bumili ng meryenda.

"wee?ayaw mo lang sumama dahil andito si Redz eh"kinurot ko sya sa tagiliran.

"inaantok kasi ako"palusot kopa kahit tama naman talaga sya.

"Sus di kapa  kasi umamin sa kanya eh"sinenyasan kong umalis na sya at nagpanggap pa akong inaantok talaga pero agad din akong napatayo ng makita ang paglabas nila Redz kasama ang tropa nya.

Chasing Star Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon