Chapter 5

1 0 0
                                    

Nagising akong feel ko ako na ang pinaka maganda at may pinaka mahabang buhok sa buong mundo hehe.

Grabe crush na crush ko na talaga si Redz.

Pagpasok ko sa room sya agad ang unang hinanap ng mga mata ko at ayon sya mahinang nakikipag tawanan sa mga classmate ko.

shit ang aga aga ang pogi!

"grabe ang ngiti ah"puna ni lovely sa pag ngiti ngiti ko habang sumusulyap kay Redz.

Kinindatan ko sya tapos nagpatuloy sa paglelecture habang sumusulyap pa rin kay Redz.Hindi man lang nagsalubong ang tingin namin kahit isang beses pero ewan ko ba ang saya saya ko na habang pinagmamasdan ko sya.

Parang stars sa kalangitan,nagdadala ng tuwa sa sistema ko twing pinagmamasdan ko pero hindi ko na hinihiling na maging akin kasi alam kong imposible.

Nang magrecess mabilis akong humarang sa dadaanan nila Redz palabas ng classroom.

"hi ok na yang pasa mo?"maliit ang ngiting tanong ko.

"yeah thanks"lumaki ang ngiti ko ng sabihin nya yon.

shit ito na ba ang simula ng pagiging mabait nya sa'kin?wahaha

"pwede akong sumabay sayo magrecess?"hindi nya nagawang sumagot agad pero tansya kong papayag na sya pero nabitin yon dahil sa bunganga ni lovely.

"hoy tarantado ka el,may nag-chat sa akin ang pogi!kilala ka"napatingin ako sa kanya na-curious hindi dahil pogi kundi dahil kilala daw ako.

"sino?"kunot noong tanong ko,pero ang gaga parang tangang ngiti ngiti sa akin.

"ang pogi el,sabi pa nya miss kana daw nya"nagulat ako lalo na ng makaramdam ako ng kaba kahit wala pa syang sinasabi kung sino yon.

"boyfriend mo toh noh?arie may boyfriend kana pala maharot ka"hinampas pa nya ako,agad akong umiling dahil wala naman akong boyfriend,napatingin pa ako kay Redz na parang disappointed na nakatingin sa akin.

"wala akong boyfriend noh-"

"wag mong itanggi pogi naman yong kelzy ah"nanigas ako sa kinatatayuan ko ng banggitin nya ang pangalan na yon,parang nawalan ako ng boses,hindi ko magawang itanggi.Lalo na ng makita ko ang disappointed na pag-alis ni Redz.

"wala akong boyfriend,hindi ko boyfriend yon, boyfriend yon ng pinsan ko"sa wakas nagawa kong idefend ang sarili ko,hindi ko na hinintay magsalita sya mabilis kong hinabol palabas si Redz na papasok na ng canteen.

"Redz sabay tayo"kumapit pa ako sa braso nya pero nagulat ako ng mabilis nyang alisin don ang kamay ko.

First time nyang ginawa yon at na-shock talaga ako.

Sinundan ko na lang sya ng tingin hanggang sa makabili sya ng pagkain nya,ilang segundo akong napatulala bago nagawang maglakad palapit sa table nilang magtotropa.

"oy el,sabay ka sa amin?"alok pa ng isa sa mga kaibigan nya.

"hayaan mo sya Jerald"rinig kong sabi ni Redz.Pero kay Jerald ako tumingin at tumango.Bumili ako ng pagkain ko at umupo sa harap nilang tatlo.

"mahilig ka sa spaghetti noh!"sabi pa ni Jerald ng maupo ako sa harap nila.

"pansin ko kasi ayan palagi mong nirerecess"natawa ako,hindi  naman sobrang hilig,hindi ko lang talaga afford ang ibang pagkain dito sa canteen.Hindi ko na lang yun sinabi sa kanya.

"oo,nong bata kasi ako parang hindi uso sa amin yong spaghetti kaya ngayon ko sinusulit"natatawang sagot ko nalang.

"baliktad naman tayo,nong bata naman ako sawa sawa ako sa spaghetti"palihim kong sinilip si Redz,halata ang inis sa mukha nya.

Chasing Star Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon