Chapter 1

2 0 0
                                    

Elli Point of view.

Nakasimangot ako habang patingin tingin sa orasan,mag aalas otso na wala pa ang adviser namin,first day of class tapos transferee pa ako.

Napatingin ako sa mga kaklase kong mga naguusap syempre magkakasama't magkakaklase na sila nong nakaraang taon talagang comfortable na sila sa isa't isa.

Napakagat ako sa kuko ko.

Hindi ko alam kung magagawa ko bang enjoyin itong last year ko sa senior high dahil wala naman akong kilala dito eh.

Pilit na ngumiti na lang ako sa kaklase kong lalaki ng pagkatinginan kami nito.

Makikisama nalang siguro ako sa kanila!plastic naman ako eh.

Nang makita na ang pagpasok ng adviser namin,napaayos ako ng upo.Lalaki ito akala ko pa nga masungit at allergic sa mga jokes pero nakakatuwa lang dahil mukang sanay syang makisama at makipag biruan sa mga estudyante nya.

Tawa tuloy ako ng tawa dahil sa mga pagbibiro nito sa amin,ilang minuto palang simula nong pumasok sya pero pakiramdaman ko pang isang linggo na ang tawa ko.

Natigil lang ako at medyo kinabahan dahil magsisimula ng magpakilala sa harap ng sarili at may kasama pang talent.

Para tuloy akong binudburan ng  asin na bulate sa upuan ko.

shit wala akong talent eh!

Nakahinga ako ng maluwag ng ilan sa mga classmate ko ay hindi nagpakita ng talent.

tama! sasabihin ko na lang ang age at pangalan ko ok na yon!

"magsspoken ako sir"mabilis akong napatingin sa nagsalita.Nakatayo ito sa harap habang inaasar sya ng mga classmate naming lalaki.

Tumango naman si sir na nagtanong kung ano ang talent nito,napaayos ako ng upo,he caught my whole attention,mahilig ako sa spoken poetry eh.

Excited na excited ako lalo na ng makita kong tumayo pa ng maayos ang lalaki,pero ang expectation ko ay nauwi sa malakas na tawa na halos magmuka ng nanganganak na baka.

Natigil lang ako dahil nahiya,saming mga babae ako lang ang tumawa ng ganon ka oa,inis ding napatingin sa akin yong kaklase kong lalaki.

Loh sorry naman,nakakatawa kasi yong way nya ng pagsspoken eh,ska hindi lang naman ako yong tumawa ah halos lahat ng kaklase namin.

Nang matapos sya at umupo na,inaasar asar pa sya ni sir,nakikitawa ako pero agad ding nawala yong tawa ko ng ako na ang tatayo para magpakilala.

"hi good morning sa inyo,I'm Elliryan Gomez, I'm 16 years old"mabilis kong sabi ska bumalik sa upuan ko,para pa silang nabigla dahil para lang akong dumaang hangin.

Tinanong ako ni sir kung saan ako galing school.

Nang magrecess dumukdok na lang ako sa table ko,tinatamad akong tumayo eh,papikit na sana ang mata ko ng makarinig ng malakas na tawa,nilingon ko iyon galing sa kumpol ng mga kaklase kong lalaki sa kabilang line.

Napasibangot ako,tumayo ang tatlo sa kanila at naglakad papunta sa pinto.

"ganda ng spoken mo ah"pang-aasar ng isa sa kanila don sa lalaking nagspoken sa harap.

"tsh!tinary ko lang naman"saka sila nagtawanan,medyo natawa ako hindi dahil sa sinabi nya kundi dahil sa tawa nya.

Napatingin tuloy silang tatlo sa akin bago tuluyang makarating sa pinto.Napaiwas ako ng tingin.

gagong bunganga kasi toh eh!

Kinabukasan,medyo close na kami ng katabi kong babae,ayos din yon para may kasama akong abot kanto ang tawa sa twing nagjojoke si sir.

Chasing Star Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon