Chapter 3

2 0 0
                                    

Para akong tangang nakatulala ng mag-lunch break na habang tong kaharap ko tawang tawa at patuloy sa pagkwento sa nangyari don sa lien matapos naming lumabas ni Redz sa canteen kanina.

"muka syang lintang di natubigan"tawang tawang tukoy nya kay lien.Habang ako patuloy ang pagtakbo ng isip sa huling sinabi ni Redz

Eka nya,hindi daw mangyayaring liligawan nya ako para maging girlfriend,medyo ouch yon pero crush ko lang naman talaga sya,pero basted naba pag ganon?friendzone?pero di naman ako umamin ah!

hoyyy el"mabilis akong napatingin sa kaharap.

hah?"inirapan nya ako at sinagot ng harorot.

"lakas mo ah,kala ko ba dika magpapapansin sa kanya?eh bakit may pa girlfriend girlfriend kapang nalalaman kanina!"medyo nahiya ako ng maalala yung tungkol don.Diko napigilan ang emosyon ko eh.

"first time mangyari yon,kaya dapat panindigan mo"sabi pa nya,hindi na tuloy nawala yon sa isip ko hanggang sa maguwian ng hapon.

Ang malas pa dahil umulan habang si lovely bigla nalang nawala.

"sayang masosolo kona sana si Redz kung hindi lang nangialam ang babaeng yon"napakunot ang noo ko ng mabosesan ang nagsalitang yon.

"tama sila,hindi lang basta basta si Redz lien"rinig kong sabi ng kasama nya.

"pero lalaki pa din sya,kapag naghubad ako sa harap non hindi yon makakatanggi"agad naginit ang ulo ko sa narinig pero pinigilan ko silang lingunin.Nagtuloy sila sa paguusap tungkol kay Redz at mukang di nila ako napapansin dito sa gilid dahil asa likod ko sila at natatakpan ako ng dalawa pang estudiyante.

Nakakasuka ang mga pinagsasabi nila,Magdalena nga talaga,pigil na pigil din akong lingunin sila pero diko na napigilan ng marinig na tinawag nila si Redz.

"hi Redz nasan na ang katulong mo"katulong?ako?gago ba sya?

"sabay nako sayo,wala akong payong"ang landi ng boses,tanggalin ko kaya bibig nya.

"sige na please,babawi ako next time,babawi ako pag tayong dalawa nalang"jusko po kahit anong pigil ko sa sarili ko na lapitan sila,diko na napigilan mabilis akong lumapit sa kanila at lumapit pa sa braso ni redz.

wala ng hiya hiya toh!

"umuwi na tayo love"madiing sabi ko sa dulo,ska nilayo sa lugar nayon si Redz.

hays siguro ito na lang talaga ang papel ko sa mundo taga hila kay Redz palayo sa mga haliparot.

Mahina na lang ako napamura para sa sarili ko dahil hindi ko namalayang paghila ko kay Redz palabas ng school wala pala akong payong,basang basa ako pero sya may dalang payong at wow nahiya talaga ako di man lang sya nag-effort na payungan ako hah.

sabagay sino ba naman ako!

"basa na ako kasalanan toh ng lien na yon"reklamo kopa ska sya ulit hinila sa waiting shed may ilang mga estudiyante don na mukang nagpapatila din ng ulan.

"sisihin mopa yong iba,kasalanan mo naman"mabilis akong napatingin ng sabihin nya yon,nginitian ko na lang sya ng matamis.

ang sungit nya ah!

"nakakadalawa kana ngayong araw na toh"nagpigil ako ng ngiti dahil ramdam ko ang inis sa tono ng boses nya.

Kinikilig parin ako kahit halatang halatang naiinis na sya sakin!

"malay mo maging tatlo pa diba?"malakas ang loob na sabi ko.

Akma pa syang magsasalita ng mabilis syang napaiwas ng tingin sa akin.Nangunot ang noo ko at nakatakip sa dibdib ko ng marealize na dahil nabasa ako ng ulan,bumakat ang suot kong bra sa tshirt kong basa.

gago!bastos!

Para akong uod na binudburan ng asin,putcha yong bra ko!

Ginamit ko narin pantakip yong bag ko but i felt uncomfortable pa rin dahil alam kong maging sa likod ng tshirt ko ay bakat ang strap ng bra ko.

Nilalamig na rin ako shet-

Para akong nakakita ng gitno ng maramdaman ang paglagay ni Redz ng jacket nya sa balikat ko,nang lingunin ko sya nakaiwas na sya ng tingin.

"thank you"mahinang sabi ko,di naman sya kumibo.

"ang lamig,nag aalala ka sakin noh!"pagbibiro kopa sa kanya, nagsalubong ang kilay nya.

"wala naman akong paki kahit nilalamig ka,kita kasi bra mo,bra lang wala naman laman"kahit ganon ang sinabi nya diko parin napigilan ngumiti,aba concern sya sakin alam ko yon hihi!

"ariee edi sa bra ko ikaw concern?"makapal ang mukhang sabi ko,pero agad ding nahiya,ngumiti pa rin ako sa kanya kahit hiyang hiya ako sa sinabi ko.

"at ska gagi tinitignan moba ang dib-"nagulat ako ng akma nyang babawiin yung jacket mabuti nalang mabilis akong nakaiwas.Natatawa ako habang tinitignan ang mukha nyang inis na inis at medyo namumula pa.

ang kyut!

Ilang minutes din kaming natahimik,syempre nahihiya din ako sa kanya noh!

Inayos ko din ang jacket para takpan ang dibdib kong wala daw laman!

"so sila nga?"napakunot ang noo ko ng marinig yon mula sa estudiyanteng  kasama namin dito sa waiting shed.

"siguro and look oh,binigay ni Redz ang jacket nya para hindi lamigin si girl"ay putcha kami pala ang pinaguusapan.

"edi girlfriend nga nya yan"nakinig lang ako sa pinag-uusapan nila,wala naman silang sinasabing masama ah.

"ngayon lang may dumikit ng ganyan kay Redz,ang sungit kaya nya"tumingin ako banda kay Redz,napangiti ako ng makitang bahagya syang nasa likod ko kaya mukang magkadikit na magkadikit kami pero hindi ko naman nararamdaman ang katawan nya sa likuran ko.

pero kahit ganon,mag-assume pa rin ako!

Nang bahagya ng tumila ang ulan,nagsialisan na ang ilang mga estudiyante,nilingon ko si redz.

"uwi na ko"nakangiti pako pero inirapan lang nya ko.

"haha mas magaling kapang umirap sa akin ah!siguro kaya ang sungit mo sa ibang babae dahil lalaki ang gusto mo"I joked pero sumama lang ang tingin nya sa akin.

Nag peace sign ako sa kanya at tinapik pa ako balikat nya.

"una na ako,ingat sila sayo,update kita pag nakauwi na ako"natawa ako sa huli kong sinabi kahit na mukang nainis sya ng sobra don.

Tinalikuran ko na sya at tinakbo ang kalsada,tuluyan naman ng tumila ang ulan kaya kahit wala akong payong at basa na rin naman na ako bat pa magpapayong.

pero atleast nasa akin ang jacket ni crush,gayumahin ko kaya sya?haha

Nang magweekend excited ako para sa Lunes dahil gusto ko ng makita si Redz at ibabalik ko din ang jacket nya,sana hindi nya tanggapin para sakin nalang or kung gagana ang kakapalan ng mukha ko hihingin or aalborin ko na lang sa kanya hehe.

Kasalukuyan akong gumagawa ng assignment ng tumunog ang cellphone ko galing sa isang notification,kunot noong tinignan ko yon pero mabilis na nawala ang pagkunot noo ko at napalitan ng pagkabalisa nang makita kung saan galing ang notification

Kenzy Diaz sent you a friend request.

Chasing Star Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon