Naiiyak ko habang nakatingin kay Redz na tulog na tulog sa kama ko,nagpatulong ako kay Jerald na iuwi sya dito sa dorm ko.Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko pati nong tinanong nya ako kung anong nangyari wala akong masagot.
Pakiramdam ko wala akong kwenta dahil hindi ko alam ang nangyayari kay redz,akala ko ok lang sya,akala ko walang problema pero bakit nagkaganito sya bigla?
Pinunasan ko ang luhang tumulo sa mga mata ko,ang sakit makitang ganito sya.Hindi ko gustong makita syang ganito,hindi ko kaya.
Lasing na lasing at muntik pang mapaaway,hindi ganito ang nakilala at minahal kong Redz.
Sunod sunod na tumulo ang mga luha ko habang iniisip kung paano ko sya matutulungan kung sakaling may malaki syang problema.
Nakatulogan ko ang pagluha habang tinitignan sya,naalimpungatan lang ako ng maramdamang may bumuhat sa akin at mula sa pagkakadukdok,hiniga ako sa kama.
Kahit antok ako pinilit kong imulat ang mga mata,bumungad sa akin ang malungkot at may halong pag-aalalang mukha ni Redz,ngumiti ako sa kanya at niyakap sya,kasunod non ang muling pagbuhos ng mga luha ko.
Hindi ko sinasadyang maluha pero ang pagluha ko ay nahaluan ng paghikbi.
"I'm sorry"malambing na sabi nya,niyakap nya ako ng mahigpit at paulit ulit na hinalikan sa noo.
"sorry!"pero mas lalo lang akong naiyak.
"kung may problema ka please magsabi ka!andito naman ako eh tutulungan kita"halos hindi na maintindihan ang mga sinasabi ko dahil sa pag-iyak.
Niyakap ko sya ng mahigpit na para bang mawawala sya sa akin.
"Nag aalala ako sayo,please humingi ka ng tulong sa akin pag kailangan mo"paulit ulit syang nagsorry,hanggang sa tuluyan na ulit akong nakatulog.
Nagising lang ako kinabukasan ng makaamoy ng mabangong ulam,pagmulat ko bumungad si redz na naka apron pa at inaayos ang niluto nya sa mini table.
"good morning"ngumiti sya sa akin na para bang wala syang problema,bumangon ako mula sa pagkakahiga at sinenyasan syang lumapit sa akin.
Agad ko syang niyakap pagkalapit nya.
"mahal na mahal kita,wag mo na ulit ako pag aalalahin ng ganon ah"bulong ko sa tainga nya,tumango sya at nagsorry hinalikan nya ako sa noo bago ayaing kumain na.
Pagkatapos naming kumain ng umagahan,umuwi na sya,marami pa sana akong gustong itanong pero siguro tama na muna baka maiyak nanaman ako.
Lumipas ang isang linggo bumalik kami sa dati ni Redz,Yong dating hindi sya madalas lumalabas kasama yong kababata nya,kinuwento nya sa'kin ang nangyari kung bakit napunta sya sa bar na yon,nagtalo sila ng daddy nya paguwi galing sa pinuntahan nila ng kababata nya.
"masakit magsalita sakin si dad non pa,pero iba kasi yong sinabi nya sa'kin non,hindi talaga ako natuwa at dinamdam ko"sabi nya,hindi na nya binanggit yong sinabi ng daddy nya,hindi ko na rin tinanong baka hindi sya comfortable na sabihin.
Naging busy ulit kami sa mga schooworks lalo na at mageexam na ng 2nd quarter,parang ang bilis.
Busy kami lalo na sa laboratory pero lagi parin kaming may oras para sa isa't isa ni Redz,naisip ko din na sa birthday ko,balak ko na syang sagutin.Surprise yon para sa kanya oh diba ako ang may birthday pero sya ang may surprise at gift hehe.
Nang matapos ang exam namin, nag-celebrate uli kami dahil nakapasa kami pareho.Nagpaalam din sya sa akin na lalabas daw sila ng kababata nya,pumayag naman ako.
Tatlong magkakasunod na araw lumalabas sila twing gabi,nagpapaalam naman sya sa akin,sinuportahan ko naman sya kahit may kung ano akong nararamdaman hanggang sa ikaapat na araw expect kong magpapaalam at iuupdate nya ako pero hindi nya ginawa.