Ikawalong Hakbang

7 1 0
                                    

Kumusta, nakita kita kanina
May kasama ng iba at masaya
Nahuli mo akong nakatingin sayo ngunit umiwas ka
Sa sandaling iyon nakaramdam ako ng pagdusa

Umalis ka na at ng iyong kasama
Habang ako'y naiwan at nakatayo parin sa gitna
Gusto ko ng umiyak sa mga sandaling iyon pero pinigilan ko
Nakakaawa siguro ang sitwasyon ko.

Nakatingin sila sa akin,
May halong lungkot, awa, at iba pang emosyon.
Sa masayang kapaligiran napalitan ng tahimik na paligid
May isang lalaking lumapit sakin at nagsabingHalika, gusto mo ba lumabas at magpahangin? "

Sumama ako sa kanya, at ginabayan sa paglakad
Sa balkonahe niya ko dinala at hinayaan mag-isa
Ang mga luha ko'y hindi ko na napigilan
At sa kanya'y nagpakita ng kahinaan

10 Steps Away From You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon