Habang naglalakad kami ni eddie papunta dun sa academic building ay biglang kumulo ang tiyan ko ng malakas kaya naman napatingin si eddie sa’kin ng may pagtataka sa mukha nya
“Ikaw ba yun dude?”tanong nya habang nakaturo sa’kin…kaya naman agad akong humawak sa tiyan ko
“A-ahm…eh alam mo naman na nagmadali tayong pumunta dito sa school kaya di na ako nag breakfast”sabi ko sa kanya kaya naman nag shrugged sya sabay umakbay sa’kin
“Tara sa cafeteria and grab some foods”sabi nya sabay lumakad na muna kami papunta sa cafeteria…
Pagpunta namin sa cafeteria ay pumasok na kami sa loob at dumiretso dun sa order station.Matapos kong bumili ng pang breakfast ay umupo na kami at kumain muna ako ng breakfast kong egg sandwich na may fried rice at bacon,habang si eddie naman ay milk frappe ang iniinom
“Ang Aga mo naman mag frappe,di ka ba masasaktan ng tiyan dyan??” sabi ko sabay subo ng kanin,ngumiti naman sya
“Ako?di naman masama kasi milk naman ang binili ko”sabi nya sabay sipsip ulit dun sa Frappe nya.Matapos namin kumain ay tumambay muna kami dun sa cafeteria habang naghihintay ng mga classmates namin,medyo may students naman dito kaso yung mga Grade 10 nga lang at ang maririnig lang naman sa mga usapan nila ay tungkol dun sa Club registration na magaganap mamaya,habang nag uusap kami ni eddie ay biglang may lumapit sa’min na babae
“Mga kuya,pa register kayo mamaya ah”sabi nung babae sabay abot ng isang flyers sa’min,Journalism Club?mukha ba akong reporter dahil sa ayos ko?tsaka diba pang grade 10 lang yun?anyway diniscuss nya sa’min na kailangan nila ng mga representatives mula sa lower levels…
*LUNA SNOW
Habang umiinom ako ng kape at nagbabasa sa labas ng 7/11 ay biglang may umupo dun sa tapat ko kaya naman binaba ko yung libro ko at nakita ko si tobi na nakatingin sa libro na binabasa ko kaya ayun nilapag ko yung libro sa mesa at nakita ko nakangiti sa tobi sa’kin
“Oh ba’t ka nakangiti dyan??”tanong ko sa kanya sabay sipsip dun sa kape ko,maya maya ay tumawa sya…may amats ba si tobi ngayong araw?
“Ikaw ah,nag send ka pa sa’kin ng mukha mo kagabi”pang aasar nya sabay tawa,So ayun agad kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa at tinignan ang messenger ko
“WHAAAAAAAT!?”ayan na lang ang nasabi ko dahil sa gulat ko,ba’t ako nakapag send kay tobi ng pic ko nung namali ko yung password ng cellphone ko?anyway agad ko naman ini unsend yun sabay tumingin ako kay tobi na nagpipigil ng tawa
“OH ba’t mo ini unsend?ang cute nga eh”sabi nya habang nakatingin dun sa cellphone nya
“Ha,wala ka nang pagtatawanan”Medyo pataray kong sabi,anyway tumayo muna si tobi at tumingin naman ako sa kanya
“Bibili lang ako ng makakain sa loob”sabi nya sabay ngiti at pumasok na sa loob ng 7/11….Ano daw sinabi nya dun sa pic?ang cute ko daw? Wait ba’t parang kinilig ako dun deep inside?anyway maya maya ay lumabas na sya sa loob at dumiretso sya sa upuan dun sa harap ko sabay kumain na sya.Ako naman ay bumalik na sa pagbabasa ko at ngayon ay mababa na ang libro ko,pero kunwari na akong nagbabasa kasi nakatingin ako sa kanya habang kumakain sya at sabay sa pagse cellphone nya,kaya naman palihim kong ini angat ang cellphone ko at idinikit ko sa libro ko at palihim ko syang pinicturan.Anyway dahil nga dun sa pag picture ko sa kanya ay di ko na tinuloy ang pagbabasa ko at binalik ko na sa bag ko ang libro sabay tumingin na lang ako sa kanya habang busy sya sa pagkain at pagse cellphone
“Oi tobi,malapit mo nang makain yang plastic ng hotdog sandwich mo” paalala ko sa kanya ngumiti naman sya sabay inalis na yung plastic at na busy na sya ulit sa pagkain habang nagse cellphone…maya maya ay medyo dumadami na ang mga estudyante na pumapasok kaya naman nag ready na kami sa pagpasok sa school…at pagpasok nga namin sa gate ng school ay may mga grade 10 students na namimigay ng flyers.