*ALLAINA
“(yawn)....”
“Oh Allaina para kang puyat dyan?”sabi ni scarlett
“Di pa ba obvious scarlett?nagpuyat na naman yan”sabi ni luna
“(yawn)ok lang ako…hindi lang ako nakatulog ng maayos kagabi”sabi ko sabay hikab ulit
“Eh ok ka lang naman pala eh,tara na sa school”sabi ni luna sabay hila sa’min ni scarlett
So ayun tumakbo na nga kami papunta sa school,kasi walking distance lang naman ang school kaya naman di na kami nagpapahatid sa mga driver namin…by the way ako pala si Allaina Iris Javier isang 13 years old at nag aaral sa Vanderson International Academy bilang grade 7 anyway enough about that.Ng makarating kami sa vanderson academy ay sumalubong sa’min ang malaking tarpaulin na nakalagay sa gate ng school “Welcome Back Students”at ayun pumasok na kami sa loob ng school,hay marami nang estudyante ang andun sa loob kaya naman nag lakad na kami papunta sa building,ng makarating kami sa loob ng building ay umakyat na kami sa stairs.Yun nga lang papagurin dahil ang classroom pa talaga namin ay nasa 4th floor,matapos ang ilang pahirap na stairs ay finally nakarating na rin kami sa hallway ng room namin…habang naglalakad kami ay nakita namin mula sa malayo ang mga kaigan naming sina Markus,Drake at Tobi kaya naman tumakbo na sina luna at Scarlett papunta sa kanila at ako naman ay naiwan na naglalakad lang…eh anong magagawa ko?sumakit tuhod ko dun sa stairs ng hagdan at inaantok pa ako no…ng makalapit ako sa kanila ay agad akong nilapitan ni Mark
“Parang puyat ka ata ah”sabi nya
“Ah ito ba?”sabi ko sabay turo sa mukha ko
“Nakipag chat ka nanaman sa kung sino no”sabi ni Tobi habang naka crossarms
“Sa mukha ko ba namang to may makikipag chat pa”sabi ko
“Bes…wag mo nga smolin yang sarili mo”sabi ni luna,habang nag uusap kami ay biglang may tumunog mula dun sa baba kaya naman sumilip kaming anim at nakita namin na andun ang lyre band ng school
“Wooooooow!”sabi ni luna habang nakasilip kami
“Para saan naman yan??”tanong ko
“Ayan ba?mga grade 10 yan at nagpa practice sila para sa battle of the lyre band na mangyayari next month”paliwanag ni drake
“Bagay talaga si Allaina dun sa majorette eh”Pang aasar ni markus
“HA HA HA”sabi ko sabay roll eyes
Sila naman ang iba ko pang friends sina Mark,Tobi,at Drake magkaka kilala na kami mula nung grade 3 kaya naman kung saan nag enroll ang isa dun na kami lahat…anyway lets go back,habang nakatingin kami ay tumunog na ang bell kaya naman pumasok na kaming anim sa loob ng classroom at umupo na kami.Actually nag tabi tabi na kami ng upuan dahil first day naman at walang seating arrangement,at maya maya ay dumating na ang iba naming classmates.Kasabay nila ang pag pasok nung teacher namin…hay sana hindi math teacher ang adviser namin…Pagpasok nga nya ay agad nyang nilapag ang gamit sbay kuha ng whiteboard marker sabay sulat ng pangalan nya…matapos yun ay humarap na sya sa’min at pinakita ang pangalan nyang nakasulat sa board at nagpakilala
“Ok class i’m mister Christopher Manzano but you can call me sir chris and i will be your adviser for this school year and your subject teacher in English”sabi nya,Matapos nyang magpakilala ay tumayo na kami at bumati
“Good Morning Sir Chris”sabay sabay naming pagbati,matapos yun ay pina upo na nya kami at nag start na ang klase namin which is yung homeroom muna dahil first day pa naman
Actually ito pa pala…di na rin kami bago dito sa vanderson academy dahil mula elementary ay andito na kami…anyway habang nagsasalita yung teacher namin sa unahan ay di ko maiwasan na mapa pikit pikit dahil sa antok ko,pero bago pa man ako mapayuko ay may sumundot ng tagiliran ko mula sa likod kaya naman agad akong tumingin