*SCARLETT
Matapos ang performance ay nag umpisa nang mag serve ang mga waiters sa paligid ng pagkain,matapos yun ay kumain na kaming lahat yung ibang pagkain dun is gawa nung mga hired chefs ng mga roberts… habang kumakain ay nag uusap pa kami
“Salamat nga pala sa imbita mark ah”sabi ni Allaina
“Kayo pa?syempre lagi naman kayong invited sa lahat ng celebration” sabi ni Mark
“Pero di naman kami makapunta kasi masyadong busy sa school”sabi ni luke
“Nag drama ka pa luke,lagi ka naman naka video call”sabi ni mark
“Ay oo nga pala”sabi nya sabay tawa
“Sorry mark ah,ngayon lang kami nakadalaw sa inyo…alam mo naman highschool life”sabi nung hannah
“Wag kayong mag alala lagi naman kaming andito para kina mark at drake”sabi ni allaina
“Hahaha oo nga,kahit na minsan nandadagan talaga sila”sabi ni tobi kaya naman tumawa kaming lahat…mukhang di nya malilimutan yun ah…
Matapos namin kumain ay ayun nagsasayaw sina mark at allaina…sina tobi,luna.hannah at luke naman ay nandun sa may pool area.Kaya naman kami lang ni Drake ang naiwan sa table namin,at tumatawa kami dun sa ginagawang sayaw nila allaina,bigla naman tumayo si Drake at ini offer ang kamay nya kaya naman napatingin ako sa kanya
“Ano yun Drake?”sabi ko ng may pagtataka
“Tara dun sa kubo”pag aaya nya
“Kubo?meron kayo dito??”may pagtataka kong tanong
“Well,yeah…kaso nasa dulo nga lang ng garden ni mom” sabi nya
“Pwede ba tayo dun??”sabi ko
“Ahm…maybe dun na lang tayo sa swing sa rooftop”sabi nya
“Tara”excited kong sabi
So ayun pumasok kami sa bahay nila at pumunta kami sa rooftop ng bahay nila kung saan may table dun at andun nga ang swing kaya naman agad akong umupo dun,actually apat ang pwedeng umupo dun ng magkaka harap.Habang andun kami ay nag relax muna kami dun
“Ang lamig naman dito”Sabi ko,kaya naman tumayo sya at hinubad ang coat nya sabay binigay sa’kin
“Wear this…malamig talaga dito kasi malakas ang hangin”sabi nya, at bumaba naman sya sa swing sabay sumilip dun sa veranda
“Tinitignan mo dyan?”sabi ko sabay tumabi sa kanya
“Di ba classmate natin yun??”Sabi nya sabay turo dun sa lalaki
“Oo nga no…si…Markie”sabi ko
“Maybe his parents is inside the work room”sabi ni Drake
“Work room??”sabi ko
“Yup,but sadly me and Mark is not allowed to enter that room”sabi ni Drake…at agad naman akong napatingin dun sa babae na may bangs
“Drake,di ba yun yung babaeng pinatingin sa’yo yung papel nya”sabi ko sabay turo
“Oo nga no…oh shoot!i forgot to give her back the paper”sabi nya..Kaya naman bumaba na kami sa rooftop at pumasok kami sa kwarto ni drake para kunin ang papel.Matapos yun ay lumabas na kami sa kwarto nya at bumalik dun sa party at nilapitan namin yung babae
“Autumn?right??”sabi ni Drake at agad naman syang tumingin sa’min
“Ay andyan ka pala…happy birthday”sabi nya