CHAPTER20:WHERE ARE YOU?🤔

1 0 0
                                    

Habang kumakain naman sya ay nakatingin lang ako sa kanya… napatingin naman sya sa’kin sabay tanong nya

“Oh ano?Nagugutom talaga ako eh”sabi nya,kaya naman imbes na manood sa kanya kung pano nyang kinakain ang pancake nya ay tumingin na lang ako sa malayo

“Ang siba mo talagang kumain”cold kong sabi sa kanya,kaya naman tumigil sya sandali sa pagkain

“Eh gutom na’ko eh”ayan lang ang sabi nya sabay kain na ulit.Kaya naman napailing na lang ako sabay tingin ulit sa paligid,habang naka tingin ako sa malayo ay bigla naman may nagsalita sa likod ko

“ANDREW!”sigaw nya na kinagulat ko kaya nasuntok ko sya sa tiyan kaya naman napahawak sya sa tiyan at pagtingin ko si Andrei lang pala

“Ayan napapala mo,nang gugulat ka kasi”Pasungit kong sabi sa kanya.. Tumawa naman sya dahil dun at napansin naman nya ang kasama ko

“Ba’t kasama mo si allaina??”tanong nya sabay lapit kay allaina at umakbay

“Pwede ba Andrei…di tayo close”Pasungit nyang sabi kay andrei,napa ngiti naman si andrei dahil dun

“Alam nyo bagay talaga kayo ni Andrew…Parehong masungit”sabi nya at agad naman tinanggal ni Allaina yung akbay ni Andrei sa kanya

“Ano?Bagay?nooooooo way!”sabi nya,Wag syang mag alala mas ayoko sa kanya.

“Hmp!mas ayoko naman sa babaeng nambubuhos ng maruming tubig” sabi ko kaya naman bago pa kami mag away ay umentra na si Andrei

“OK tama na yan…binibiro lang naman kayo”pagpigil nya sa’min 

“Hmp!bahala ka dyan…kakain nalang ako nitong pancake”sabi ni allaina sabay subo ng malaking pancake,ako naman ay tumalikod sa kanila…maya maya ay biglang nagsalita si Andrei

“Hala!Uy Allaina!”sabi ni andrei kaya naman tumingin ako sa kanila at nakita ko ngang nabibilaukan si Allaina.Kaya naman agad akong pumunta sa likod nya at niyakap sya sabay piga piga ng tiyan nya,mga ilang segundo ay lumabas na ang malaking pancake sa bibig nya 

“Hoooo!muntik na’kong mamatay dun ah”sabi nya,napatingin naman ako kay andrei na nagpi finger heart at bigla kong naalala na andun pa rin pala ako sa likod ni allaina at nakayakap kaya naman agad akong bumitaw sa kanya sabay lumakad muna ng medyo malayo sa kanila at nagmasid masid muna ako sa paligid kung hinahanap pa ba kami nung mga lalaking yun.Naririnig ko naman ang pag uusap nung dalawa kaya naman tumingin ako sa kanila,Nakita ko nga na inaasar ni Andrei si Allaina kaya naman napailing nalang ako at bumalik na ulit sa pagma masid,Asan naman kaya ang mga kaibigan nito ni allaina?kaya naman lumapit ako sa kanila 

“Kailangan nating maglakad ulit para mahanap ang mga kaibigan mo” Cold kong sabi sa kanya at nag nod naman sya kaya naman nag umpisa na kaming maglakad para hanapin ang mga kaibigan ni allaina at makalipas ang ilang oras na paglalakad ay di pa rin namin mahanap ang mga kaibigan ni allaina

“Whaaaa pagod na’ko Andrew”Pagrereklamo ni Andrei,kaya naman tumingin lang ako sa kanya sabay lakad na ulit.

“Ilang minuto pa lang tayo naglalakad andrei kaya wag kang maarte” cold kong sabi sa kanya habang naglalakad…maya maya ay may tumawag sa kanya mula sa malayo

“ALLAINAAAAAAA!”pagtawag sa kanya kaya naman agad na kaming 

Lumapit sa kanila…buti naman nahanap na namin ang mga kaibigan nya….

*ALLAINA

Ng makalapit kami sa kanila ay nagtaka naman si Luna kung bakit kasama ko si Andrew kaya naman napakunot noo sya at pinout ni Luna sa’kin si Andrew

Vanderson AcademyWhere stories live. Discover now