CHAPTER17:ANOTHER DAY,ANOTHER???.....

1 0 0
                                    

Matapos kong mag inat inat ay pumasok na’ko sa banyo at naligo an since may oras pa naman ay umupo muna ako sa bathtub,matapos kong maligo ay nagbihis na’ko at nag gel ng buhok ko…pagkatapos kong gawin ang mga routine ko ay bumaba na ako at pumunta sa kitchen para kumuha lang ng toasted bread,matapos yun ay lumabas na’ko ng bahay at naglakad na papunta sa school.Habang naglalakad ako ay biglang may tumabi sa’kin

“Sabay na’ko adam”sabi nya 

“Oh lenalee,ikaw pala”sabi ko sabay ayos ng salamin ko

“Nga pala oh,ang ganda ng librong pinahiram mo”sabi ni lenalee sabay abot nung libro

“Natapos mo na palang basahin”sabi ko habang hawak ang libro

“Oo eh”sabi nya at napansin ko na hindi nakatali ang buhok nya

“Ba’t di nakatali ang buhok mo ngayon??”sabi ko

“Ahm…kakalabas ko lang din kasi ng bahay at tsaka nagmamadali kasi ako,akala ko late na ako eh”sabi nya..

“Ah ganon ba?tara na nga pasok na tayo at baka ma late talaga tayo” sabi ko sabay lakad na kami papuntang school…malamang nauna na sina autumn at amethyst sa school…hay mang iwan daw ba?anyway ng makarating kami ni Lenalee sa school ay agad na kaming pumasok sa loob para naman hanapin na namin yung dalawa,habang naglalakad kami ay may nabangga akong lalaki na may dalang inumin kaya naman medyo natapon yun inumin sa tshirt nya 

“Ay sorry”sabi ko,sabi ko sabay napatingin ako sa kanya,napangiti naman sya

“No problem”maikli nyang sabi sabay lakad na ulit paalis.Parang bago lang yung mukha nun dito sa school ah…kaya naman napatingin ako kay lenalee

“Bago lang yung mukha nun dito sa school ah”sabi ko,nagkibit balikat naman si lenalee

“Siguro,tsaka di mo naman alam…marami kayang students dito sa vanderson academy”sabi nya..sa bagay may point si lenalee kasi di ko naman kilala lahat ng students dito eh,pero parang bago talaga yung mukha nya dito sa school.Sa araw araw ba naman na nakikita ko ang mga students dito sa school…

Anyway naglakad na kami papunta sa academic building at baka ma late pa kami,At pagpasok namin dun sa building ay nakita ko si autumn dun sa locker namin sa hallway kaya naman agad kaming lumapit ni lenalee

“Oh ano yung kinukwento mo tungkol kay Drake roberts”sabi ko sabay crossarms
“Ahm…na nakausap ko na sya?”sabi nya at magsasalita na sana ako ng humirit si lenalee

“Ha?nakausap mo na si Drake Roberts??”Gulat na sabi ni lenalee…take note na sya lang ang di nakaalam nung nangyari kasi medyo may pagka bookworm si lenalee

“Oo,tama ka ng narinig lenalee lee”sabi ko sabay ayos ng salamin ko.At habang nag uusap kami ay nakita namin si Drake roberts at pagdaan nya ay agad syang ngumiti kay autumn kaya naman napatingin kami kay autumn

“Totoo nga!”gulat na sabi ni lenalee…anyway maya maya ay tumunog na ang bell kaya naman magkakasabay na kaming lumakad paakyat ng 

Room namin,habang naglalakad kami ay bigla kong naalala yung mukha nung lalaking nabangga ko…parang medyo may kahawig sya?? Pero di ko masabi kung sino…

*NAIYANA 

   

   Habang naglalakad kami paakyat ng room ay naabutan namin sina markie at kurt kaya naman agad kong kinalabit si meylyn

“Ano ba yun yana??”sabi ni meylyn,pagtingin ni meylyn ay agad syang kinilig 

“Si Markie lang pala”sabi nya habang nakatingin dun kay markie

Vanderson AcademyWhere stories live. Discover now