*MARKUS JOHN
“WHAAAAAAA!!!nakakapagod pala maghanap ng gift”sabi ni allaina
“Kaya mo yan bes”Sabi ni luna
Ayan nalang ang narinig ko kay allaina dahil 30 minutes na kaming paikot ikot sa mall para maghanap ng magandang gift for our grandma kaya naman umupo na muna kami sa bench chair dito sa loob ng mall
“Grabe…ano naman kaya gusto ng grandma nyo?”tanong ni Allaina kay drake,dahilan para mapaisip sya
“Hmm…maybe a million pesos na dress?”sabi ni tobi
“Wait…i think i know what she wants”sabi ni drake sabay ngiti.Ano naman kaya yun?
**POTTERY SHOP
“WHAAAAT!!!????”ayan na lang ang nasabi naming lima
“Were here…pottery shop”sabi ni drake
“D-Drake ba’t naman tayo nandito??”tanong ni Allaina…then biglang nag sunk in sa’kin na mahilig pala si grandma sa mamahaling mga vase
“Ay oo nga pala,she loves flower vases and other decorations”sabi ko at tumingin naman sa’kin si allaina sabay patong ng dalawang kamay nya sa balikat ko
“All this time alam nyo pala ni drake ang gusto ng grandma nyo tapos umikot tayo sa mall ng 30 minutes at naka ilang store na tayong pinasukan??”sabi ni allaina kaya naman ngumiti nalang ako sa kanya
“S-sorry naman…eh di naman kasi agad sinabi ni Drake”sabi ko habang nakahawak sa likod ng ulo ko
“Tama na yan guys…tara na’t tumingin na tayo ng magandang vases” sabi ni Scarlett sabay lakad na
Kaya naman naglakad na kami sa loob ng pottery shop para maghanap ng magandang vase na magugustuhan ni grandma,maraming iba’t ibang klase as in may pang lagayan ng bulaklak at meron naman na malalaking vase dun as in kasya si allaina sa loob…anyway umabot lang kami ng 5 minutes sa pag ikot at nakakita na kami ng magandang vase kaya naman hinawakan ko na yun at pumunta na kami sa counter at binayaran ang vase…actually pinabalot na rin namin yung vase para
Safe sya habang naglalakad kami,anyway matapos nga namin bumili ng regalo ay pumunta muna kami sa 7/11 para naman mag stop over at kumain…
“So…hilig pala ng grandma nyo na mag garden??”tanong ni allaina
“Yup,she has a maze garden in her backyard”kwento ni drake sa kanila
“Talaga?sana makita ko yun”sabi ni scarlett
“Ako rin gusto kong makita yun”sabi ni luna
“Sus naman luna,may garden din naman kayo sa bahay nyo eh”pang aasar ni tobi
“Ano ka ba naman tobi…maze garden?alam mo bang sa mga royal families ko lang nakikita yun”sabi nya…Matapos nga namin kumain ay nagpasundo na lang kami sa driver pauwi para mabilis na,pero bago kami umuwi ay bumili na rin kami ng gift wrap para pag uwi ay ibabalot na namin tong vase…
******************************************************************************
Paghinto ng kotse ay agad na kaming lumabas at dumiretso papasok sa loob ng bahay,pagpasok namin ng bahay ay sinalubong kami ng auntie maribella
“Hi markus”pagbati nya ng nakangiti
“A-auntie Bella”sabi ko sabay yakap sa kanya
“Hi auntie”ayan lang ang sabi ni Drake
“May kasama pala kayong friends”Sabi ni auntie
“Hi mrs roberts”pagbati ni scarlett sabay nag besso