At ayun nag discuss na yung teacher namin,pero hindi pa rin talaga sya nagpapakilala.Nga pala since nandito kami sa oval ay nakaupo kami sa damo habang sa sa kabilang side ay may mga Grade 10 na andun at nagpa practice ng soccer…habang nakikinig kami ay medyo nangawit ako kaya ayun ipinatong ko yung baba ko sa balikat ni Mark
“Oi,baka tulugan mo yung balikat ko ah”pang aasar nya
“Hindi naman ako puyat ngayon eh,actually sabi ko sa sarili ko na sa weekend na lang manood nun”bulong ko
“Good…natututo ka na”sabi nya sabay patong ng kamay nya sa ulo ko
“Dito muna ako ah…medyo nangangawit na’ko eh”sabi ko
“Hay sige bahala ka…basta wag kang matutulog ah”sabi nya sabay focus na ulit
Haha buti nalang ambait ni mark para payagan akong gumanto sa balikat nya…makalipas ang ilang minuto ay tumunog na ang bell kaya naman tumayo na kami at pagtayo ko ay medyo hinilot ko ang binti ko, pati sina luna at scarlett ay naghilot din ng binti
“Ok lang kayo girls??”tanong ni mark sa’min
“I think nangawit lang yan”sabi ni Tobi
“Naka uniform tayo tapos ganong upo ba naman??what the hell??”pag rereklamo ni luna
“Gusto nyo ba piggy back ride nalang namin kayo??”tanong ni mark
“Ay wag na,nakakahiya tsaka mawawala din naman to”sabi ko sabay lakad na,kaya naman sumunod na sila sa’kin sa paglalakad ko pabalik
Sa building…habang naglalakad ay biglang may narinig kaming tyan na tumunog kaya naman nagkatinginan kaming lima at sabay sabay na tumingin kay tobi
“Nag breakfast ka ba??”tanong ni Scarlett
“Ay di tayo nakadaan sa bilihan ng donut kanina habang papunta sa school”sabi ni Mark
“Oh edi pumunta muna tayo ng cafeteria at bumili ng makakain”pag aaya ko
“Oo nga…may ilang minutes pa naman tayo eh”sabi ni scarlett
So ayun pumunta muna kami sa cafeteria para bumili ng makakain ni tobi…matapos yun ay naglakad na kami papunta sa building.At habang umaakyat kami ay biglang tumunog ang bell kaya naman nagmadali na kaming umakyat sa hagdan at si tobi naman ay sinubo na yung donut nya ng buo habang tumatakbo…at habang papasok ako ng room ay may sumalubong sa’kin na palabas naman,kaya ayun nagka untugan kami at napa upo sa sahig
“Sino ba ya—-ikaw nanaman andrew!”sabi ko habang nakahawak sa noo ko
“Baliw na tao lang naman ang mag mamadaling pumasok sa room pag narinig ang bell”Cold nyang sabi sabay tayo at nagpagpag ng damit
“Allaina a—-”di na natuloy ni Mark ang sasabihin nya
“Hi Andrew”sabi ni luna…pero di sya pinansin at umalis na sya at Matapos yun ay lumakad na kami pabalik sa upuan namin.
“Ba’t ba lagi kaming pinag uumpog nun ni andrew??”sabi ko
“Baka naman kayo talaga ang meant to be”Pang aasar ni luna
“Hay ewan ko sa inyo”sabi ko sabay roll eyes…
maya maya ay dumating na yung teacher namin kaya naman umayos na kami ng upo at bago pa sya magsalita ay dumating na si andrew at walang imik na bumalik sa upuan nya…
“(Clears throat)ok class i’m mister Stefano perez but you can call me sir stef,and i will be you science teacher”pagpapakilala nya pero di na nya kami pinabati at nag umpisa na sya diretso sa klase namin…