“For the consequence of your action,you will go to the detention room afterclass for 2 days”galit na sabi nung dean sa’min.Matapos yun ay lumabas na kami ng office
“Hay…ilang linggo pa lang ako dito sa school na detention na agad ako?this is not Happening”sabi nya kaya naman tinapik tapik ko sya sa likod at imbes na kumalma ay tumingin sya sa’kin
“Ahm…why are you looking at me like that?”tanong ko sa kanya at agad naman nya akong tinulak sa pader at lumapit sya sa’kin sabay hila sa necktie ko sabay nilapit nya ang mukha nya
“Kasalanan mo kung bakit na detention tayo”galit nyang sabi kaya naman nakatitig lang ako sa kanya.Magsasalita pa sana sya ng biglang tumunog ang bell,so ayun Binitawan na nya ako
“So tara na?”sabi ko at nag roll eyes lang sya sabay naunang maglakad sa’kin.Ako naman ay inayos ang necktie ko sabay lakad na…Maya maya ay nakabalik na kami sa room ay agad na kaming umupo
“Anong nangyari?narinig ko sa isa nating classmate na detention ka?” sabi ni Austin at nag nod ako
“Oo nga,kasi akala nila nag cutting kami para magpa register sa club” kwento ko kay austin kaya naman napa iling na lang sya,maya maya ay dumating na teacher namin kaya naman bumati na kami at nag start na ang klase namin…
“Ok class,get 1/2 sheet of paper and answer this problems”sabi nung teacher sabay sulat ng mga numbers sa whiteboard,At ng matapos sya magsulat ay nag umpisa na kaming mag compute,habang nagsasagot ay biglang may kumatok sa pinto at pinapasok yun nung teacher at may sinabi sa kanya…
“Ok class,dyan muna kayo ah may meeting lang kami sa office”sabi nya
Sabay lumabas na muna ng classroom,wala man lang binilinan kung kanino ibibgay ang papel,anyway matapos kong magsagot ay inipit ko na muna sa notebook ko ang papel ko…sabay nag check muna ako sa cellphone ko…
*KAYLEE
“Hay nakakainis talagang lalaki yun…Grrrr!”sabi ko habang nagsusulat ng solutions sa papel ko
“Bes,kalma lang baka mabutas yang papel mo”sabi ni Phoebe sa’kin kaya naman tumingin ako sa kanya
“Kumalma?pano?eh dahil dun kay mr.smiley ay na detention kami!”sabi ko sa kanila.
“Sino naman si mr.Smiley na sinasabi mo?”Nagtatakang tanong nya sa’kin
“Sino pa ba?”sabi ko sabay tingin dun sa impaktong Aiden na yun kaya naman tumingin din sila dun tinitignan ko sabay medyo natawa kaya naman tinignan ko sila ng masama
“Hahaha sya nanaman pala sumira ng araw mo at ang dahilan ng pagka detention nyo?”sabi ni Phoebe,habang nakatingin kami sa kanya ay napatingin din sya sa’min sabay ngiti at wave pa kaya naman nag roll eyes lang ako sabay balik na sa ginagawa kong pagso solve,gusto ko nang matapos tong sinasagutan ko para masakal ko na ang aiden na yun…Maya maya naman ay tumunog na ang bell.So ayun inilagay na lang namin dun sa teacher’s table ang mga papel namin at lumabas na yung iba para magpa register dun sa baba,kami namang tatlo ay nag ayos muna,habang nag aayos ay lumapit sa’min si Derek
“Hi girls”pagbati nya kaya naman nagulat kaming tatlo sa kanya at si hailey naman ay parang nagyelo na kinauupuan nya at di nagsasalita
“Ano yun Derek?”tanong ko sa kanila,di naman agad nakapag salita si derek dahil sa nangyari kay Hailey
“Ok lang ba si hailey?baka mag passed out na naman sya”sabi nya sabay wave ng kamay sa harap ni hailey,so ayun medyo piniga ko yung balikat nya and luckily natauhan na sya
“Aray naman Kaylee eh”sabi nya habang nakahawak sa balikat nya
“Ok na sya…so ano ba yang sasabihin mo Derek??”sabi ko sa kanya