CHAPTER10:PICTURE DAY📷

0 0 0
                                    

*LENALEE

    Habang nakapila pa lang kami para sa id picture namin ay naisip ko muna na magbasa ng libro since matagal pa naman,habang nagbabasa ako ay nag uusap naman sina amethyst,autumn at adam

“Hay mukhang matagal pa ang pila ah…gusto nyo muna uminom??” sabi ni autumn

“Wag na,ano ka ba aalis pa tayo sa pila eh”sagot naman ni amethyst kaya naman agad na akong sumingit

“Ako na lang ang bibili ng inumin natin since nauuhaw na din naman ako”sabi ko sabay sara ng librong hawak ko

“Ok bhie…sabi mo eh”sabi ni Autumn

“Gusto mo samahan na kita??”tanong ni Adam,at nag nod naman ako kaya ayun kami na ni adam ang umalis sa pila namin para bumili ng inumin,

at habang naglalakad kami ni adam ay biglang may sumigaw mula sa malayo

“Miss yumuko ka may bola!”pagkasigaw nung lalaki ay napatingin ako at muntik ng tamaan ng bola buti na lang at may humarang na kamay sa mukha ko at nasalo nya ang bola

“Ok ka lang miss??”tanong nya

“A-ah…oo”nahihiya kong sabi sa kanya.Ngumiti naman sya sabay sabi

“Sorry ah,mukhang napalakas ang hampas ng kasama ko sa bola”sabi nya,at ako naman ay nakayuko lang at nahihiya sa kanya…at nagulat  

Naman ako ng ipatong nya ang kamay nya sa ulo ko sabay sabi

“Sorry talaga…dahil sa pampalipas oras namin muntik pa kami maka aksidente”sabi nya

“Ok lang naman sya,nasalo mo naman agad yung bola eh…sige ah aalis na kami…pare”sabi ni adam sabay hatak sa’kin

“Ano ba yun Adam?Napogian ka sa kanya no??”sabi ko at nakita ko naman na nag blush si adam

“Hay tara na nga lenalee at baka nauuhaw na sina autumn no”sabi nya

“Ay oo nga pala…tara na sa cafeteria”sabi ko sabay takbo,hay naku kung ano anong iniisip at nakalimutan ko na yung picture day at yung inumin nila autumn

******************************************************************************

Ng makabalik kami ay nag uumpisa na pala picturan yung iba naming classmate,kaya naman inabot na namin kina autumn at amethyst yung inumin nilang C2 

“Ba’t ang tagal nyo??”sabi ni amethyst

“Ahm…maraming bumibili sa cafeteria natin??”palusot ko

“Ah…sorry ah pumila pa kayo ng matagal”sabi ni autumn,hay buti nalang nakalusot.Anyway habang nakapila kami ay pina pila na sa tabi namin yung ibang section at nagulat ako ng makita yung lalaki kanina at napatingin naman sya sa’kin at ngumiti

“So nagkita ulit tayo??”sabi nya

“O-oo nga eh”utal kong sabi sa kanya

“I’m Adrian Dawson,but you can call me ian”pagpapakilala nya

“Lenalee”maikling pagpapakilala ko sa kanya

“Lenalee…cute name”sabi nya,kaya naman yumuko ako at di ko alam na nag blush ako…nagulat nalang ako ng bigla akong kalabitin ni Adam

“Lenalee,tawag na tayo dun tara na”sabi ni adam sabay hila sa’kin

So ayun kaming tatlo dalawa na ni Adam at may kasama kaming isa pang student ang pinicturan,matapos yun ay pinapabalik na kami sa classroom.Habang naglalakad kami ay biglang tumabi sa’kin si adam

“Siguro nauna na sina amethyst at autumn sa classroom”sabi ni adam 

“Oo nga…nag chat si amethyst eh”sabi ko sabay pakita ng message 

Vanderson AcademyWhere stories live. Discover now