Pagbalik namin sa Classroom ay umupo na kaming lahat at tumayo na’ko para puntahan sana sya ng bigla namang dumating na ang teacher namin kaya naman umupo na lang ako ulit
“Ok class see you in the kitchen after 5 minutes”ayan lang ang sinabi nya kaya naman tumayo na kami lahat para pumunta sa kusina,as in lahat kami ay walang idea kung magluluto kami ay wala naman syang pinadala na mga sangkap na bibilhin?anyway habang naglalakad ay sa hallway lahat ay agad akong tumabi dun kina allaina
“Ay potek!ano bang ginagawa mo dito andrei??”gulat na tanong ni Allaina,ngumiti naman ako at di nagsalita
“Ay na pipe na ata”sabi ni tobi…ang bagal naman maka pick up nitong dalawang to,kaya ayun tinignan ko si luna at buti nalang ay alam na nya ang gagawin kaya naman hinila nya yung dalawa
“Tara na’t mauna na tayoooooo!”sabi nya dun kay allaina at tobi sabay hila sa kanila palayo,At ng maiwan kaming dalawa ni scarlett ay medyo nagkakahiyaan pa kami magsalita.Nung magsasalita na sana ako ay tumabi naman sina Liam at Andrew
“Uy andrei tara na sa kitchen baka ma late pa tayo”sabi ni liam habang akbay si Andrewa,kaya naman tinignan ko sila
“Pwede ba?sandali lang?”sabi ko sa kanilang dalawa,medyo natawa naman si Scarlett
“Ahm…andrei?i think this is not the right time to talk”sabi nya at napa tingin naman ako sa kanya sabay ngumiti naman sya sa’kin sabay lumakad na paalis,hay di ko nanaman sya nakausap…pagka alis nya ay tinignan ko yung dalawa
“SALAMAT AH”sabi ko sabay lakad na pauna sa kanilang dalawa…ok mamayang afterclass ko nalang sya kakausapin.Siguro naman makaka usap ko na sya nun mamaya.Pagdating namin sa kitchen ay andun na yung teacher namin at hinihintay na lang yung ibang students kaya naman lumapit na kami dun sa ibang students at buti nalang at sina alliana ang nasa unahan namin kaya si allaina na lang ang kinalabit ko
“May inanounce na ba??”tanong ko sa kanya at umiling naman sya.hay buti na lang wala pa…habang busy ang lahat ay biglang nagtaas ng kamay si allaina
“Sir pano yan…absent po si Drake roberts ngayon?”sabi ni allaina at agad naman syang nilapitan ni sir habang nakatingin sa record book
“Ok…si miss Autumn yakawa na muna ang hahalili sa kanya”sabi nung teacher namin sabay umalis na sya at pumunta sa unahan at nagsalita
“Ok class,ngayon ay bibigyan ko kayo ng isang oras para mamili ng inyong sangkap sa ibibigay kong lulutuin nyo…ok let’s start,group 1 ang lulutuin nyo ay Pancit bihon,group 2 is Chicken Curry,group 3 is kare kare,Group 4 is adobong pusit and group 5 is menudo”At ayan lang naman ang sinabi nung teacher namin na lulutuin namin kaya ayun nagkanya kanya na kaming kuha ng mga basket na pamalengke para makapag umpisa na kaming mamili,habang palabas kami ng school ay buti na lang nagkatabi kami ni Scarlett kaya naman di na ako nagligoy ligoy
“Ahm…Scarlett pwede ba tayong mag pa—”di ko natuly ang sasabihin ko kasi biglang lumapit yung isa nyang ka groupmate
“Bhe tara na,baka maiwan ka…nasayo pa naman yung basket”sabi ni Phoebe,Habang naglalakad naman sila palayo ay nakita kong tumingin si Scarlett sa’kin pero ngumiti na lang ako at nag wave sa kanya at habang nakatayo ako ay may umakbay sa’kin
“Oi dude,tara na baka maiwan ka nyan”sabi ni Derek sabay lumakad na kami palabas ng School,nakakahinayang naman yung chance to talk to her,i just wanna ask her if we can go to the park para makapag usap….
*AUTUMN AISAKA
Matapos nga namin makalabas ng school ay Andito pa kami sa waiting shed at nakatayo habang nag iisip kung saan kami mamimili na medyo malapit lang sa school