PROLOGUE

1K 22 0
                                    

RAVEN'S POV


Mula sa bintana ng sariling silid ay tinanaw niya ang malawak nilang hardin. Ngayon ang birthday party ng daddy niya kung saan imbitado ang ilang malalapit nitong kaibigan at mga kasosyo sa negosyo. 

Ilang sandali pa at pormal ng maguumpisa ang kasiyahan, kailangan na niyang lumabas sa kwarto niya at upang makihalubilo sa mga bisita.

"Senyorito Raven, tayo na at ipinapatawag na kayo ng daddy niyo. Maguumpisa na ang party..." narinig niyang wika ng isang pamilyar na tinig mula sa likuran niya. 

Nang lumingon siya ay nakatayo sa harap niya ang Yaya Marina niya, ang personal nanny nila ng kakambal. Palapit ito sa kanya bitbit ang overcoat niya.

Napasimagot siya, "Bakit naman kasi kailangan pa na dumalo ako sa party, wala naman akong gagawin sa ibaba..." reklamo niya habang isinusuot nito sa kanya ang coat. He wished he could just stay at Isla Katerina, ang islang pagmamayari ng pamilya nila.

Mahina itong napatawa, "Birthday ng daddy mo, dapat talaga na dumalo ka..."

"Hmp! Puro naman mga ka-age nila daddy ang bisita. Seven years old lang ako, Yaya. Nakaka-boring sa ibaba..." patuloy na reklamo niya.

"Aba, nariyan na si Mynard. At nakita ko na rin na dumating ang pamilya ni Senor Carlos Fitzgerald, kasama nito ang anak. Tiyak na may makakasama at makakausap ka..." sabi nito at dumiretso ng tayo, "Isa pa'y andyan ang kakambal mo, ano ba ang inaalala mo?"

Lalo siyang napasimangot, "Hay naku, Yaya. Kailan ba kami naglaro ni Russel? Kambal nga kami pero parang hindi naman. Si Mynard ay mas malapit kay Russel. At ang sinasasabi mong anak ni Tito Carlos ay babae. Hindi kami close dahil hindi ko pa siya nakikilala. Ano ang paguusapan namin? Barbie doll? Eeeew!"


THIRD PERSON'S POV

Hindi malaman ni Yaya Marina kung matatawa o maiiling. Kung magsalita ang alaga ay tila matanda na. Napakabibo nito at masayahin, malayo sa kakambal nitong si Russel na napaka-seryoso sa kabila ng murang edad.

Kunsabagay ay hindi niya ito masisisi, iba kasi ang pagpapalaki dito. Puro pag-aaral at disiplina sa sarili. Palibhasa ay ito ang tagapagmana dahil mas matanda ito ng ilang minuto kay Raven. 

Si Raven naman ay normal ang kabataan, nakakapaglaro ng walang humpay ngunit lagi namang umaamot ng atensyon sa ama na ang pansin ay nasa panganay lamang.

Napabuntong-hininga siya, bakit ganoon na lamang kakumplikado ang buhay ng mga alaga? Napailing siya at sinagot ang sariling tanong, the price of wealth.

"Tayo na, Yaya. Ayokong magalit ang Daddy..." sabi ni Raven at nauna ng tumungo sa pinto.

"Akala ko ba ay ayaw mo?"

Natawa ito, "I don't have a choice, Yaya..." tugon nito at sabay na silang lumabas.


RAVEN'S POV  

Tahimik siyang naupo sa isa sa mga bench nila sa lanai dala ang sketch pad niya. Nasa bandang likod na iyon ng mansyon kaya music na lang mula sa party ang naririnig niya. Matapos kasing pormal na umpisahan ang party at makapag-speech ang daddy niya ay tumalilis na siya. Kinuha niya ang sketch pad niya mula sa kwarto niya at bumaba sa lanai para mapag-isa siya. Medyo madilim sa kinaroroonan niya dahil natatabingan ng mga halaman, ang tanging tanglaw lamang niya ay ang ilaw na nagmumula sa lamp post.

Mag-uumpisa na sana siyang mag-sketch ng may umagaw ng atensyon niya. A little girl wearing a cute pink ball gown came into view. Mukha itong prinsesa dahil sa suot.

Tahimik niya itong pinagmasdan, nakayuko ito sa mga tanim na bulaklak ng mommy niya. Nakita niya na ito sa party kanina kausap nila Russel at Mynard. Hindi niya pa ito nakikilala pero mula sa kinaroroonan niya kanina ay pinagmasdan niya ito. Her brown hair was almost blonde, napaka-puti nito at asul ang mga mata. Mamula-mula ang mga pisngi nito kaya alam niyang mestisa.

Nasa akto itong pipitas ng bulaklak ng mapagpasyahan niyang lumapit. "Alam mo ba na mahirap alagaan ang mga ganyang uri ng bulaklak?" sabi niya na nagpa-gitla dito dahilan upang mabitawan nito ang pinitas na bulaklak at mahulog sa damuhan.

Bigla itong lumingon, "Sino ka?" naaalarmang tanong nito.

He chuckled, "Dapat ako ang magtanong nyan. Now tell me, what's you name?" naaaliw na sabi niya.

Sinipat nito ang anyo niya mula sa munting liwanag ng lamp post, "Russel?" tanong nito.

Bigla ay gusto niyang mainis, "Hindi ako si Russel..." tanggi niya.

"Pero kamukha mo siya, sino ka ba?" medyo inis na tanong nito.

"It doesn't matter who I am. Ikaw ang tinatanong ko..."

She raised her chin, "I don't talk to strangers..." sabi nito at inirapan siya.

Napangiti siya at nagkibit-balikat, "Ikaw ang bahala..." sabi niya at muling pinulot ang bulaklak na nabitawan nito kanina. Pagkatapos ay isinuksok niya iyon sa gilid ng tenga nito.

Ngumiti siya, "You're beautiful..." sinserong wika niya na ikinapula ng pisngi nito.

Sandali itong natulala at ng makabawi ay tila itong napaso na lumayo at patakbong umalis.

Nakangiti niya iyong sinundan ng tingin, "Just like a dream..." bulong niya.

The Goddess and The Pauper PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon