Raven's POV
Sinundan niya ng tingin ang pag-alis ni Sheryn. Somehow, gusto niya itong habulin at mag-sorry. She really looked like crying and it made him feel guilty. Wala naman sa intensyon niya na paiyakin ito, gusto niya lang itong asarin.
"What the hell was that?" tanong ni Russel na umagaw sa atensyon niya.
Nilingon niya ito, "It's none of your business. Personal ko ng buhay 'yon, labas ka na doon," pasupladong tugon niya at naupo sa iniwang upuan ni Sheryn.
Napatingin siya kay Krishna who was smiling mischievously. At alam na niya kung ano ang tumatakbo sa isip nito.
Tinitigan niya ito ng masama, "Shut up, Krish!" he barked that really made her laugh. Tumayo siyang muli at tinungo ang pinto.
"Where are you going?" narinig niyang tanong ni Krishna.
Hindi siya nag-abalang lumingon, "Sa impyerno!" inis na tugon niya.
Naisara na niya ang pinto pero naririnig pa rin niya ang pagtawa nito.
Sheryn's POV
Dinala siya ng mga paa niya sa site kung saan itinatayo ang carousel. She wondered why she came here gayong pwede naman siyang dumiretso sa opisina niya at magmukmok mag-isa.
Napalinga siya, mabuti na lang at gabi na, sarado na ang Plaza at tapos na rin ang office hours, no one would see her cry. Napasinghot siya at pinahid ang mga luha, umiiyak siya dahil walang ibang tao ang gumagawa sa kanya ng ganun kundi si Raven.
All her life, people treat her with respect, yung tipong hinahangaan siya ng lahat that no one dares to be rude at her. Para sa iba, siya ay untouchable.
Until Raven, ito na ang pinaka-bastos, pinaka-barumbado at pinaka-antipatikong lalake na nakilala niya.
Hantaran talaga kung bastusin siya nito, at hindi ito nangingiming pagsalitaan siya ng kung anu-ano.
For heaven's sake, siya ata si Sheryn Trisha Fitzgerald, The Goddess! Ang ibang tao, lalo na ang mga lalake, marinig lang ang pangalan niya ay sinasamba na siya, nagmamakaawa pa ang iba para sa atensyon niya.
But not Raven, gusto niyang mainsulto dahil hindi ito humahanga sa kanya, na ito lamang ang tanging lalake na hindi nahumaling sa kanya.
Napabuntong-hininga siya, naisip niya tuloy kung anong klaseng babae ang tipo nito. Wala ba sa kanya ang mga katangiang hinahanap nito?
Napatingala siya, noon niya napansin na naumpisahan na palang pintahan ang carousel. Magical ang tema sa hula niya dahil maraming stars. At aminin man niya o hindi, mahusay ito. Malinis at buhay na buhay ang obra nito ma bagama't hindi pa tapos ay maganda na.
"Maganda ba?" tanong mula sa likod niya na nagpagitla sa kanya.
Lumingon siya at nakitang nakatayo sa likod niya si Raven. Sumisikip na talaga ang mundo nila.
"Kung nandito ka para inisin ako, then just leave me. Naipahiya mo na ako kanina tama na siguro yun," matalim na wika niya.
Tinitigan siya nito, "You've been crying..." sabi nito, his voice gentle.
That caught her off-guard, wala ang nakasanayan niyang pang-iinis nito.
Nailang tuloy siya, nag-iwas siya ng tingin, "If it'll add to your manliness, then yes, napaiyak mo ako. Masaya ka na?" angil niya, iyan ang naisip niyang depensa sa gentleness nito.
BINABASA MO ANG
The Goddess and The Pauper Prince
RomanceShe's Sheryn Trisha Fitzgerald, "The Goddess". Isa siya sa mga dahilan kung bakit maraming babae ang insecure sa pisikal nilang anyo. Well, bakit hindi? Beauty and brains, idagdag pa ang wealth at ang mga lalaking nabibighani sa kanya. Lahat ay nas...