Twelve

285 8 0
                                    

Raven's POV

"What was that all about? Dinaig mo pa ang walang pinag-aralan dahil sa inasal mo kanina. My God, makikipag- way ka ng walang dahilan!" inis na bulalas ni Krishna habnag hinihila siya palayo sa Paradisiaco. Nasa may elevator na sila ng huminto at hinarap siya.

Nameywang ito, "Ano?"

Napabuntong-hininga siya, "Hindi ko alam, okay?" sagot niya. That was partly true, hindi niya alam kung bakit siya umakto ng ganun, although aware siya sa inis na nararamdaman.

Di makapaniwalang nakatingin sa kanya si Krishna. Pagdaka'y humugot ito ng malalim na hininga, "Do you like her?"

Nanlaki ang mata niya kasabay ng pagbangon ng inis, "Ano ba namang klaseng taning yan?!"

"It's just a question. Yes or no lang ang sagot."

Tinitigan niya ito, alm niyang hndi ito titigil. 

"No," matigas na tugon niya.

"But you're attracted to her? Yes or no?"

Hindi siya nakasagot, una pa lang ay aminado na siyang attracted siya kay Sheryn. Lying now won;t do any good, malalaman ni Krishna kung nagsisinungaling siya. She knows him too well.

"Yes..." sagot niya. "Sino ba ang hindi di'ba?" dustong pa niya.

She rolled her eyes, "Wag mong iligaw ang usapan..." sabi nito at ngumiti. "You don't like her but you're attracted to her. That's a good start. Hindi na ako magtataka if one of this days sabihin mo ng mahal mo siya..."

He galred at her, hindi niya akalaing iyon ang iniisip nito. "You're playing shrink again. O kaya naman, nasobrahan ka na sa pagbabasa ng mga romance novels, you're being unrealistic and too idealistic. Hindi lahat nakukuha sa libro."

Muli itong ngumiti, "Walang kinalaman dito ang pagiging sucker ko sa romance. At idealistic man ako, alam ko kung kailan dapat maging realistic. Hindi ako ilusyunada", sabi nito at umiling.

"And you should stop being hard on yourself. Hindi masamang main-love. Lahat tayo dadapuan ng love bug, okay? So don't fight it. I tell you, maiin-love ka sa kanya. Trust me..." and a kowing smile crossed her lips. Itinaas nito angisang daliri sa dibdib niya at dinuro iyon.

"Hindi mo kayang paglabanan ang puso, Raven. Matatalo ka lang. So if I were you, just go with the flow and be happy..." she said and walked away.


****

Abala siya sa pagpipinta ng carousel ng mamataan niya si Sheryn na papalapit sa direksyon niya.

Bahagyang kumunot ang noo niya, malalim na ang gabi. Ano pa ang ginagawa nito dito?

Binawi niya ang tingin at itinuloy ang pagpipinta.

"Hey!" tawag nito sa kanya at tiningala siya, nakatuntong kasi siya sa ladder dahil mataas ang bahaging pinipintahan niya.

"What do you want?" tanong niya habang patuloy sa ginagawa.

"Tatanungin ko lang kung anong problema mo? Bakit ganun na lang kasama ang tingin mo kanina sa amin ni James?"

Wala din siyang balak sagutin ang tanong nito dahil hindi niya alam ang sagot. Inignora niya na lang ito kaya namagitan ang katahimikan sa pagitan nila bago iyon muling binasag ni Sheryn.

"I don't really get you!" frustrated na sabi nito at muli siyang tiningala, "Do you like me?" biglang tanong nito.

Napahinto siya sa ginagawa at nilingon ito, "Talk about your monumental ego. You're not my type," tugon niya.

Liar, sabi niya sa sarili.

Hurt crossed her eyes, halatang nasaktan ito sa sinabi niya.

"Talaga lang ah? So, may I ask, ano ang type mo?" nagmamatapang na tanong nito.

"Your exact opposite," deretsong sagot niya.

Umingos ang nguso nito which made her lips more kissable, "I don't believe you. You're just saying that just to spite me. Ilang araw mo na akong iniiwasan, and I'm not stupid para 'di mahalata 'yon."

Napailing siya, tama ito. Ilang araw na niya itong iniiwasan. 

Mula sa kinatutuntungan ay lumundag siya pababa.

Nilapitan niya ito, "You're right, iniiwasan nga kita. I don't like you, Sheryn. I don't want you either," seryosong wika niya at inilapit ang mukha dito.

"But my body wants you. At kung matalino kang tao, iiwasan mo rin ako. Naiintindihan mo?" halos pabulong na wika niya.

Hindi ito agad nakahuma sa sinabi niya, pero nakipagsukatan pa rin ito ng tingin sa kanya. "What if I tell you I want you, too? Hindi mo na ba ako iiwasan?" balik-tanong nito.

Napangisi siya at inilayo ang mukha dito, "Well, darling. Problema mo na 'yon..." sabi niya at nilagpasan na ito.

Hindi pa siya gaanong nakakalayo ng marinig niyang tinawag nito ang pangalan niya. Lumingon siya para pakinggan ang sasabihin nito.

"I don't just want you, Raven. I like you, too. And I swear, you'll like me back. Remember that!" pasigaw na sabi nito at nag-flying kiss pa sa kanya. 


Sheryn's POV

I love you...

Iyon sana ang gusto niyang sabihin, pero alam niyang lalo lang itong lalayo sa kanya, and she didn't want that.

No matter what it takes, she'll do anything for him to like her back.

Napabuntong-hininga siya, naalala niya ang lahat ng mga lalakeng naghabol sa kanya at binigo niya.

Could it be that Raven is her karma?

Then she remembered Dave.

She remembered what he said on their last meeting.

"Remember this Sheryn, someday you'll fall so hard for someone na ikaw mismo ang maghahabol sa kanya.."

She smiled bitterly, "You're right, Dave. At dumating na ang panahong iyon..."

The Goddess and The Pauper PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon