Sheryn's POV
Nang magmulat siya ay agad ang pamumukal ng luha sa mga mata niya. Uncontrollable sob rocked her whole body.
Bakit kailangang magising pa siya?
She wished she hadn't awakened anymore. Araw-araw ay iyon ang laging iniisip niya. Isang buwan na ang nakalipas mula nang umalis ang lalaking pinakamamahal niya ng walang paalam.
No words, no goodbye, no nothing.
Naglaho ito na parang bula.
Pero kahit ganoon na katagal, ang sakit na nararamdaman niya ay hindi nababawasan. Sa halip ay lalo lamang iyong tumitindi at nadaragdagan.
And she doubt if she will ever heal, kung babalik pa siya sa dati. Ang puso niya ay nagkapiraso-piraso na. And she really felt hollow inside.
Naalala niya ang sinabi ni Krishna nang araw na magising siya matapos himatayin. Ito ang nakabantay sa kanya noon, at katulad niya umiiyak din ito.
"Believe me or not Sheryn, pero pinigilan ko siya. I told him not to run away. But you know how stubborn he is. Hindi niya ako pinakinggan..." sabi nito at suminghot.
"That time, hindi ko siya maintindihan. Wala sa karakter niya ang tumakbo. So I asked him why, he said he needed to do this. Ito daw ang pinaka-mabuti niyang gagawin..."
"Why? Bakit niya kailangang lumayo?" umiiyak na wika niya. Nararamdaman na naman niya ang matinding sakit sa dibdib niya. It was as if it was breaking into two, and it was taking her very life.
"Hindi niya sinabi ang totoong dahilan pero para daw ito sa inyong dalawa..."
"Sa aming dalawa? Paanong nangyari iyan kung umiiyak at nasasaktan ako ngayon? He left without even saying goodbye!" she said with so much anguish.
"Hindi niya raw kayang magpaalam sa'yo. Hindi ka raw niya kayang tignan dahil sigurado raw iiyak ka. He may not be able to go kung hihilingin mo na manatili siya sa tabi mo..."
Lalo siyang napaiyak, "I love him so much... I love him so..."
"Alam niya, and he loves you too, so much."
Napatingin siya dito, "How did you know? He never told me that."
Ngumiti si Krishna sa gitna ng pag-iyak, "Nung magkausap kami, he was crying..."
Sumubsob siya sa unan niya at humagulgol.
Why, Raven?
BINABASA MO ANG
The Goddess and The Pauper Prince
RomanceShe's Sheryn Trisha Fitzgerald, "The Goddess". Isa siya sa mga dahilan kung bakit maraming babae ang insecure sa pisikal nilang anyo. Well, bakit hindi? Beauty and brains, idagdag pa ang wealth at ang mga lalaking nabibighani sa kanya. Lahat ay nas...