Sheryn's POV
Naglalakad siya sa pasilyo ng Fitzgerald ng mapansin niya ang construction sa ibaba. Huminto siya at pinagmasdan iyon.
"Carousel?" tanong niya kay Heidi, ang assistant niya.
"Yes, mam. Project po ni Mr. Montecarlo," sagot nito.
Tumango siya at iiwas na sana ng tingin ng makita niya ang isang pamilyar na pigura. Nakasuot ito ng puting v-neck shirt, jeans and sneakers. Hindi siya maaaring magkamali, it's really him.
Ang barumbadong estranghero!
Pinagmasdan niya ito, nakita niyang basang-basa na ng pawis ang damit nito at humahapit na iyon sa matipunong katawan nito.
His muscles were firm and perfect. At ng maisip na minsan ng humapit sa katawan niya ang mga braso nito ay nagtayuan lahat ng mga balahibong pusa niya sa batok.
"Mam?" untag ni Heidi sa kanya.
Napatingin siya dito, "Kilala mo 'yon?" she asked at pasimpleng itinuro ang lalake.
"Ahh... si Sir Raven po iyon," sagot nito na tila kinikilig pa.
Kumunot ang noo niya, "Raven?" ulit niya, pamilyar ang pangalan nito.
"Cyrus Raven Montecarlo po, twin brother po ni Mr. Montecarlo..." tugon nito.
Tama! Ito nga ang kakambal ni Russel, ang black sheep ng pamilya Montecarlo. Ang tinaguriang "Pauper Prince". Bakit nga ba hindi niya naisip iyon?
"Ang gwapo po nilang dalawa 'no, mam? Although magkaiba po ang kagwapuhan nilang dalawa. Ang hirap nga po mamili sa pagitan nila ehh..."
Masamang tingin ang ipinukol niya sa assistant kaya huminto ito. Anong mamili ang sinasabi nito? As if naman may karapatan itong mamili. Duh!
"Hinihingi ko ba ang opinyon mo?" mataray na tanong niya.
Napahiya ito at umiling.
Ibinalik niya ang tingin sa ibaba, nakikipagkwentuhan ito sa mga kasamahan. And he was laughing. Her heart warmed by the sight of him, parang may mainit na kamay ang humaplos sa puso niya.
Pinilit niyang binawi ang tingin, "Let's go..." sabi niya at inihakbang na ang paa palayo.
Raven's POV
"Ang ganda talaga ni Miss Sheryn, 'no?" sabi ni Mike, isa sa mga kasama niya, nakatingala ito sa ikalawang palapag ng building.
Sinundan niya ng tingin ang tinuturo nito. But it was too late, wala na si Sheryn.
"Ay, sayang! Nakatingin kanina dito eh!" may panghihinayang sa tinig nito.
Siya naman ay napangiti, alam niyang nakita na siya nito. Hindi magtatagal at magtatagpo na ang landas nilang dalawa.
"Balita ko mataray daw 'yon eh..." sabi ng kausap ni Mike.
"May ipagtataray naman siya. Maganda talaga at hindi nagmamaganda lang. At isa pa Boyet, kung ikaw ang lalapit dun, tatarayan ka talaga!" sagot ni Mike na ikinatawa nilang lahat.
"Hoy, mga ambisyoso! Tumigil na kayo dahil kahit sino sa atin hindi man lang papansinin nun kahit sabay-sabay pa tayong lumuhod sa harap niya, may boyfriend na 'yon. At si Sir Mynard pa! Kaya kung ako sa inyo, ibaon niyo na sa limot ang mga pangarap niyo. Hanggang pantasya na lang tayong lahat," narinig niyang wika ni Ramil.
"Ang KJ nito! Balita nga namin break na sila eh!"
"Ikaw Raven, hindi mo type?" mahinang tanong sa kanya ni Mang Ramon habang patuloy sa pagaasaran ang mga kasamahan.
BINABASA MO ANG
The Goddess and The Pauper Prince
RomanceShe's Sheryn Trisha Fitzgerald, "The Goddess". Isa siya sa mga dahilan kung bakit maraming babae ang insecure sa pisikal nilang anyo. Well, bakit hindi? Beauty and brains, idagdag pa ang wealth at ang mga lalaking nabibighani sa kanya. Lahat ay nas...