The End

552 17 0
                                    

Sheryn's POV

"Tinatamad akong pumasok sa office..." sabi niya ng pumasok ang daddy niya sa kwarto niya at dinatnan siyang nakahiga pa rin sa kama.

Ngumiti ang ama niya, "Huwag ka ng pumasok..." sabi nito na ikinagulat niya.

"Talaga? Okay lang?" naninigurong tanong niya.

Tumango ito, "But I do have a favor to ask you..."

Pumalatak siya, "Kaya pala you're so generous today to give me a rest day, may kapalit pala..." natatawang wika niya.

Natawa rin ito, "Pagbigyan mo na ako, hindi ko lang talaga mahindian. I owe this much to him. Madali lang naman, you just have to go to this exhibit in my place..."

Ngayon ay gusto niyang magsisi na pumayag siya sa hiling ng daddy niya.

Of all places, bakit sa Jim's bar pa ang location ng exhibit! inis na bulong niya sa sarili habang ipina-park ang kotse niya.

Napabuga siya ng hangin, choosing a bar for an exhibit is really weird. Nakasimangot niyang dinampot ang invitation sa dashboard at bumaba ng sasakyan bitbit ang bag niya. Napansin niyang ilan-ilan lang ang kotse at tahimik ang paligid.

Napa-aga yata ako, sabi  niya at sinipat ang suot na relos. Late na pala siya.

Ibinalik niya ang tingin sa bar. Sabagay, wala namang exhibit na maingay... sabi niya sa sarili habang palapit sa bar.

Sinalubong siya ng usher sa entrance, ibinigay niya dito ang invitation niya.
"Pasok na po ka'yo, Mam. Congratulations po!"

Kumunot ang noo niya pero di na niya iyon pinansin. Papasok na siya ng mag-play ang isang kanta.

♫I miss those blue eyes, how you kiss me at night
I miss the way we sleep
Like there's no sunrise, like the taste of your smile
I miss the way we breathe...♫

She stopped on her track, her breath caught on her throat.

Hindi siya makapaniwala sa nakikita niya. Madilim sa loob pero gamit ang mga maliliit na spotlight ay isa-isang naiilawan ang mga paintings.

Natutop niya ang bibig niya upang pigilan ang sariling mapahagulgol. Mukha niya ang nakikita niya sa bawat painting na naroon. Nagmistulang shrine niya ang buong lugar.

Iba-iba ang eksena sa mga painting pero lahat ay pamilyar sa kanya. Every scene was from every memory she had with Raven. Looking at them, it was as if she was seeing herself through his eyes.

Ang pinakamalaking painting na naroon ang kumuha ng husto sa atensyon niya. It was her last memory with him.

I love you, always remember that... That's what she said back then.

♫But I never told you, what I should've say
No, I never told you. I just held it in.
And now I miss everything about you
I can't believe I still want you...
After all that we've been through
I miss everything about you, without you...♫

"I wanted to say I love you, too back then. Pero hindi ko nagawa..."

Napaigtad siya at marahang lumingon. Sa nanlalabong mga mata ay hinarap niya ito, ni ayaw niyang kumurap. Afraid that if she did, he will just vanish. But he didn't, it's really him.

"Raven..."

Slowly, he approached her. Tila huminto sa pag-inog ang mundo niya, abot-abot ang pagpipigil niya na 'wag itong salubungin ng yakap.

Huminto ito sa harap niya, at sa loob ng mahabang sandali ay nagtitigan lang sila. Tila walang gustong magsalita. The background music changed, and it made him smile.

The Goddess and The Pauper PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon