Raven's POV
Kumunot ang noo niya, nakita niya ang sunod-sunod na pag-shot ni Sheryn ng tequila. Kung inumin nito iyon ay parang tubig lang.
Hindi lang siya ang nakapansin sa pagpasok nito sa bar. Lahat ng kalalakihan ay nakasunod ang tingin ngayon dito.
At sa ginagawa nitong pag-inom, tiyak mapapahamak ito.
Hindi ba ito aware na lahat ng mata ay nakatuon dito? She was everyone's object of attention now.
"You know her?" tanong ni Anna, isang artist na tulad niya at ex-girlfriend niya. Hindi inaasahang nagkita sila sa bar na iyon.
Marahan siyang tumango, "Yeah," matabang na tugon niya.
"Girlfriend mo?"
"Hindi ah!"
Umirap ito, "But you like her. At 'wag mo ng i-deny. Kanina ka pa hindi mapakali mula ng pumasok siya..."
Hindi na siya sumagot at itinuloy na lang ang pag-inom.
"Si Sheryn 'yon di'ba? The Goddess? Ang pantasya ng bawat kalalakihan..."
Tumango siya, totoo iyon.
"Wow ha? Nice one, Raven!" tudyo nito.
Umismid siya, "Shut up!" he hissed. Hindi niya iyon gusto. Muli niyang dinampot ang bote ng beer at uminom.
"Trouble..." bulong ni Anna at pumalatak.
Agad ang paglipad ng mata niya sa kinaroroonan ni Sheryn, two guys approached her.
"Fuck!" he mutterred under his breath, mapapaaway pa siya.
Sheryn's POV
"Hey, babe! Care to dance?"
Napalingon siya sa tanong na iyon, it wasn't Raven. Sa halip ay dalawang lalake na hindi niya kilala at hindi niya gusto ang itsura ang nasa harap niya.
Lasing na siya pero tuwid pa ang pag-iisip niya, pwede siyang tumanggi kung gusto niya.
Tinapunan niya ng tingin si Raven, abala pa rin ito sa kasamang babae. Lalong nag-rebelde ang damdamin niya, tinungga niya ang last shot ng tequila sa harap niya at tumayo.
Thank God, naka-dress siya ngayon. Mas magiging effective ang gagawin niya. Sabay-sabay silang tumungo sa dance floor, lumugar siya sa mismong tapat ni Raven.
Tinitigan niya ito.
Watch this, Raven! sigaw ng isip niya.
Raven's POV
A familiar song played, at tila nananadya iyon. He watched her dance and be surrounded by those guys.
Swaying room as the music starts,
Strangers making the most of the dark,
Two by two their bodies become one...
Her hips swayed along with the music. Sa simpleng mga galaw nito ay inaakit nito lahat ng nanunuod dito kabilang na siya. Kung kanina ay dalawa lang kasayaw nito, ngayon ay dumarami na.
I see you through the smoky air,
can't you feel the weight of my stare?
You're so close but still a world away.
What I'm dying to say is that...
Their eyes locked. At tila ito sumasayaw para sa kanya. And God, she's doing it effectively.
I'm crazy for you,
touch me once and you'll know it's true.
I never wanted anyone like this,
it's all brand new.
You'll feel it in my kiss, I'm crazy for you...
Just like that, the magic ended. Isang lalake ang humapit kay Sheryn and tried to kiss her. The next thing he knew, nasa gitna na siya ng dance floor. Hinila niya ang lalake sabay suntok sa mukha nito. Bumalandra iyon sa mga mesang naroroon at sa sobrang gulat ay hindi agad naka-bawi.
Binalingan niya si Sheryn na tila natuklaw ng ahas. "You'll go with me now!" he shouted angrily.
Pinangko niya ito sa mga balikat na parang sako ng bigas.
Sheryn's POV
Napatili siya ng bigla siya nitong pangkuin. "Put me down, you bastard!" tili niya.
Pero hindi siya pinansin nito at nagtuloy-tuloy lang sa paglabas. Ibinato lang ng kasama nitong babae ang bag niya, and shouted, "Ako na ang bahala!"
Para siyang sako na ibinagsak nito sa isang kotse, "What the-"
"Shut up!" putol nito sa sinasabi niya, galit na galit ito. Pumasok ito sa driver's side at ini-start ang makina. Pinaharurot nito iyon palayo sa bar.
"Hindi ka ba talaga nag-iisip? Ipinain mo ang sarili mo sa mga leon na 'yon!" asik nito habang nagmamaneho. "Wala ka ng ibinigay sa akin kundi puro problema!"
Her lips quivered, nagbalik sa isip niya ang takot na naramdaman kanina ng hapitin siya ng lalakeng 'yon at tinangkang halikan. Isinubsob niya ang mukha sa mga palad at tuluyang umiyak.
BINABASA MO ANG
The Goddess and The Pauper Prince
RomanceShe's Sheryn Trisha Fitzgerald, "The Goddess". Isa siya sa mga dahilan kung bakit maraming babae ang insecure sa pisikal nilang anyo. Well, bakit hindi? Beauty and brains, idagdag pa ang wealth at ang mga lalaking nabibighani sa kanya. Lahat ay nas...