Nineteen

282 9 0
                                    

Sheryn's POV

Napangiti siya, malapit ng matapos ang carousel. Natapos na ni Raven ang pagpipinta , ang tanging kulang na lang ay ang centerpiece.

Tumuntong siya sa platform ng carousel, even the rides are all there. Iba-iba iyon, all magical. May winged pegasus, magic carpet, at maging ang karwahe ni Cinderella ay naroon.

At kapag tumingala ka naman, you'll see millions of stars. Some are hanged, while the others are hand-painted. It is so artistically made na iisipin mong nasa ulunan mo lang ang Milky Way.

Napangiti siya, napakaganda ng ginawa ni Raven.

"You like it?"

Nilingon niya ito, "That's an understatement. I love it, Raven. Ito ang uri ng carousel na gugustuhin kong sakyan ng paulit-ulit," she answered and walked towards him.

Niyakap niya ito, "I am so proud of you..."

"Thank you," he said but didn't smile.

Kumunot ang noo niya, "May problema?"

Umiling ito at hinawakan ang kamay niya, "Tara, may pupuntahan tayo..."



****

"It's peaceful here," sabi niya habang minamalas niya ang magandang tanawin sa harapan nila. Nasa isang lugar sila kung saan tanaw ang buong lungsod.

"I always come here when I want to be alone..." sabi nito at naupo sa hood ng Jeep nito.

Nilingon niya ito, "Bakit mo ako dinala dito?"

Banayad itong ngumiti at hinila siya, nakulong siya sa pagitan ng mga hita nito, "I just want to be alone with you..." tugon nito at dinampian ng halik ang noo niya.

She smiled and traced his stubbles with her fingers.

"I love your eyes," sabi nito habang nakatunghay sa mga mata niya.

"Bakit? Blue din naman ang eyes mo ahh..."

"Yours is sapphire blue. Mas makinang, mas maganda, mas may buhay. And I love staring at them, parang nalulunod ako".

Natawa siya, "That was very poetic of you, thank you..."

Hinaplos nito ang buhok niya, "And your hair, your nose, your lips. I love everything about you..."

Sinapo niya ang mukha nito, "You're different today. May problema ba?" nag-aalalang tanong niya. 

He seemed sad.

Umiling ito at ngumiti, pero hindi iyon umabot sa mga mata nito.

Sinapo din nito ang mukha niya, stared at her for a long moment, "Huwag kang mag-isip ng kung anu-ano. Just think about this day, this moment", sabi nito at hinalikan siya.

Even his kiss is different. It was deep and urgent na para bang ito na ang huli nilang halik.



Raven's POV

Mabigat ang loob niya ang ihinto ang sasakyan sa tapat ng gate nila Sheryn. Kung pwede lang ay hindi na matapos ang gabing 'yon. But he knows it's impossible. Lahat ng bagay ay natatapos. And good things never seem to last.

Sabay silang bumaba ng kotse at tulad ng dati ay yumapos ito sa kanya.

"It's late, you should go to sleep now..." sabi niya ng yukuin ito.

Tumingala ito, "Goodnight kiss ko?" request nito.

He bent his head and kissed her fervently, pero agad din niya iyong pinutol.

Kumunot ang noo nito, halatang nagtaka sa ginawa niya. Dati rati kasi ay ito ang pumuputol sa halik niya dahil wala siyang balak huminto.

"Pagod ka na siguro. Magpahinga ka na agad, ha? We'll see each other tomorrow, okay?" bilin nito at pilit ngumiti. Hindi nito maitago ang pagaalala.

Tomorrow?

A lump formed on his throat, hindi siya makapagsalita.

Tumikhim siya para tanggalin ang kung ano mang nakabara sa lalamunan niya, "Sige na, pumasok ka na..." hirap na sabi niya.

Ngumiti ito at tumalikod na, pero hindi pa man lang ito nakakalayo ay muli itong lumingon.

"I love you, always remember that..." sabi nito at nagmamadaling pumasok sa loob.

He stood there for a long while, hindi niya maigalaw ang katawan. Bigla ay nanlabo ang paningin niya kaya kinapa niya ang mga mata, he was crying. Pakiramdam niya ay tila pinilas sa gitna ang puso niya at unti-unting nadudurog.

He wanted to say I love you too, pero pinigil niya ang sarili. Because if he did, lalo niya itong masasaktan sa gagawin niya.

"I'm sorry, love..." bulong niya as he rode his jeep and drive away.



Sheryn's POV

Kumunot ang noo niya ng makitang ikinakarga na isang truck ang mga kagamitan sa pagbuo ng carousel. Nilapitan siya ni Mang Ramon, binati siya nito na ginantihan naman niya.

"Si Raven ho?" tanong niya.

Bumakas ang pagtataka sa mukha nito, "Hindi ho ba siya nagpaalam sa inyo? Ang sabi niya ay pupunta raw siya sa malayong lugar at doon niya gagawin ang sculpture. Nagpaalam siya sa amin kahapon..."

Kahapon?

Kumabog ang dibdib niya, kaya pala ito balisa kahapon ay may itinatago sa kanya. Tama ang hinala niya. Something was really off with him last night.

Nag-init agad ang sulok ng mata niya. "Sinabi ba niya kung saan siya pupunta?"

Umiling ito, "Hin—"

Hindi na niya tinapos ang sinasabi ng matanda, mabilis siyang tumalikod at patakbong tinungo ang elevator paakyat sa opisina ni Russel.

Nang makita siya nito at ni Krishna ay agad nagbago ang itsura ng dalawa. Halatang inaasahan na ng mga ito ang pagdating niya. They know something she doesn't. Wala siyang pakialam kung umiiyak na siya sa harap ng mga ito.

Una niyang nilapitan si Krishna, "Where is he?" she asked, her voice quivering.

Umiling ito, "I'm sorry, Sheryn. Wala akong alam..." nahihirapan rin na tugon nito, maging ito ay naluluha.

Si Russel naman ang nilingon niya, nagsusumamo ang tinging ipinukol niya dito. "Russel, please tell me where he is. I'm begging you..."

Umiling ito, distress on his face. "Huwag mo na siyang hanapin pa. He's gone."

Iyon na siguro ang pinakamadilim na sandali ng buhay niya. Pakiramdam niya ay umikot ang buong paligid niya.

"No!" she said, and everything went black.

The Goddess and The Pauper PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon