Fourteen

291 10 0
                                    

Raven's POV

He flipped his phone open to check the time, tanghali na. Sa katunayan ay naguumpisa ng kumain ang mga kasama niya.

Where is she? tanong niya sa sarili. Kahit minsan ay hindi ito lumiban at nahuli.

Hindi kaya tuluyang namaga ang paa nito?

"Hindi ka pa ba kakain, Raven?" narinig niyang tanong ni Mang Ramon.

"Kakain na ho," wala sa loob na tugon niya at tumabi na dito. Inumpisahan na niyang kumain pero wala doon ang atensyon niya.

Masama yan, Raven. Hinahanap-hanap mo na ang presensya niya... sabi niya sa sarili. 

Mabilis niyang tinapos ang pagkain at agad bumalik sa pagpipinta para abalahin ang sarili. But he couldn't concentrate, hindi maalis sa isip niya si Sheryn.

Padarag niyang ibinaba ang hawak na paintbrush at nagmamadaling nilisan ang site. Dinala siya ng mga paa sa opisina ng kapatid.

"Krish!" tawag niya sa kaibigan.

Nag-angat ito ng ulo mula sa ginagawa at nilingon siya, "Bakit?"

Nilingon niya ang lamesa ng kapatid, wala ito doon. 

"May meeting si Russel..." sabi ni Krishna.

Good!

Nilapitan niya ang kaibigan, "May number ka ni Sheryn?"

Agad umarko ang kilay nito, "Meron. Bakit? Kukunin mo?" curious na tanong nito.

"No, I need you to call her. Ask her if she's okay..." utos niya dito.

"Bakit ko gagawin 'yon?"

Napabuntong-hininga siya at ipinaliwanag dito ang nangyari.

Tumango-tango ito, "Why don't you ask her yourself?"

"Wala akong contact number niya..."

"I'll give it to-"

"Just do it, Krish!" inis na sabi niya. Ang kulit talaga nito.

Napailing ito at inilabas ang CP, "Malulunod ka na sa pride mo, bad boy! Isang simpleng 'kumusta ka?' hindi mo pa masabi!" inis na sabi nito habang tinatawagan si Sheryn.

Ilang sandali pa at narinig niyang sinagot na ang kabilang linya, naka-loud speak iyon para marinig niya.

"Hi! Nabalitaan ko na natapilok ka daw kagabi, how's your foot?" tanong ni Krishna.

"It's okay, naka-benda ang paa ko ngayon. Hirap lang talaga akong maglakad at 'di ako makapag-sapatos kaya hindi ako nakapasok ngayon..."

"Ahh, ganoon ba? Buti hindi tuluyang namaga ang paa mo..." sabi ulit ni Krishna. "Oo nga eh, thanks to Raven. Kung hindi niya hinilot ang paa ko kagabi, malamang namaga na 'to..."

Tinapunan siya ng nanunudyong tingin ni Krishna, "Really? Ginawa ni Raven 'yon? That's so sweet of him..."

"Yup, na-touch talaga ako. He can really be caring if he wants to, napatunayan ko 'yun kagabi..."

"He really is a sweet man, Sheryn. Kahit na barumbado 'yon, mamon din ang puso nun..."

Pinandilatan niya ang kaibigan pero hindi nito iyon pinansin.

"Naniniwala ako dun..." narinig sagot ni Sheryn.

"O,sige. Magpahinga ka na, okay? Bye..." iyon lang at pinutol na ni Krishna ang tawag, binalingan siya nito.

The Goddess and The Pauper PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon