Seventeen

328 12 1
                                    

Raven's POV

Matagal ng tulog si Sheryn at nakasiksik sa dibdib niya. Ang ulo nito ay naka-unan sa braso niya, at kahit nangangawit na siya ay wala sa isip niyang bawiin ang braso. 

 Sleeping Sheryn on his arm felt really good. It was as if she was born to sleep alongside him. And that every morning, magigisnan niya ito sa tabi niya.

Hindi niya alam kung saan nanggaling ang isiping iyon. Hindi niya rin maintindihan ang mga damdaming pinupukaw nito sa kanya. But he was just too happy that she didn't run away from him.

She made him a very happy man, not only because he's the first man on her life. But it's something else, something he couldn't put a name on.

Tinitigan niya ito, paulit-ulit nitong sinabi na mahal siya nito. All in the throes of their second love-making.

He sighed, kakaibang init ang dala nun sa dibdib niya. Kakaibang saya.

Umalerto siya ng bigla itong umungol, she stirred away from him. Agad ang pagpihit niya at paggalaw ng isang braso niya. Hinapit niya ito, and gathered her into his arms.

Hindi ito kumibo, tulog na tulog ito.

He smiled and placed a gentle kiss on her forehead. He closed his eyes and hugged her. He just didn't want to let her go.



****

Bigla siyang napadilat ng sa pagbiling niya ay hindi niya nahawakan ang katawan nito. He felt so empty.

Umalis na ba ito? 

At aminin man niya o hindi, nakaramdam siyang takot sa kaisipang iyon.

"You're awake..."

Napalingon siya, and that's when he saw her. Nakatayo ito sa tapat ng drawing table niya, looking so lovely with her hair tousled from sleep. Suot nito ang t-shirt niya kaya maluwag. Lumaylay pa ang neckline sa balikat nito.

Nahugot niya ang hininga, she's so sexy.

"Sorry, isinuot ko yung shirt mo..." nahihiyang wika nito.

Umupo siya, "You look lovely..." puri niya dito that she blushed.

Ngumiti siya at inilahad ang palad niya, "Come here..."

Marahan itong lumapit at tinanggap ang kamay niya. Hinila niya ito kaya napa-upo ito sa kandungan niya. Isinubsob niya ang mukha sa balikat nito and inhaled her scent. 

Then he looked at her, maraming damdamin ang nag-uunahan sa dibdib niya. Pero hindi na siya naguguluhan ngayon, naiintindihan na niya ang lahat.

He love this beautiful woman. He love her with all his heart.

"Did I hurt you?" he asked softly.

Napamaang ito, but she smiled, "A bit. But you compensated for that. You were gentle. And I thank you for that."

Dinampian niya ng halik ang balikat nito,"Sorry for thinking the worst of you..."

Hinaplos nito ang pisngi niya, "It's okay, Raven. I already forgave you for all of that..." sabi nito at ngumiti.

Inihilig niya ang ulo sa balikat nito, "Bakit nagising ka na? It's still early..." sabi niya, nakita niya sa wall clock na alas-tres lang ng madaling-araw.

The Goddess and The Pauper PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon