MN Bk2: Chapter 4

325 10 3
                                    

Heyyaaaaa! Madami naglagay ng MNBk2 sa Reading lists nila, yehey!!! Thankyou po :))

- - -

 PAT 

To: BabyR<3

HOY! May utang kang explaination sakin. Ayusin mo script mo ah? Sasamain ka talaga! Tse. Hateyou.

Message sent.

Nakakainis din naman kasi. Kasabay mo sya sa lakad tapos iiwan ka na lang sa ere. Buti na nga lang at dumating si Jep kundi mag-isa lang akong kumain. And the moment na naisip ko si Jep, bakit parang napasmile ako? Yaaaay! Hahaha. Ang weird ko. XD

Pero mabait naman siya eh. Yung tipong mayabang pero sweet. Idagdag mo pa ang fact na kamukhang-kamukha niya si Jap? Gosh! kakainlove.

Wait! Ano nga ulit Pat?

Inlove?

Wag mo sabihing naiinlove ka din sa Mayabang na yun?

"Hindi ah!" Napasigaw ako.

"Ano yun Ma'am?" Tanong sakin ng driver. 

"Ay joke lang po, wala yun." Ngiti ko sa kanya. Hahahaha, naloloka na ako dito.

Pero hindi, hindi naman ako pueeng mainlove lang dun dahil sa nababaitan ako sa kanya at kamukha niya si Jap. Am I out of my mind? May Ryan kaya ako! Kaso nga lang, parang may tinatago siya sakin. Pero kahit na! Hindi ka puedeng mafall dun! ERASE ERASE PAT! >\<

- - -

RYAN

"Hindi mo kailangang gawin yun, we're  in a public place." Sabi ko sa kanya. Is she like, insane? or desperate?@!

"C'mon. kiss lang yun, ikaw naman hindi naman tayo makikita ng girlfriend mo eh." Ngiti nito sakin.

"I don't have time for this shit Beatrice. Nagsinungaling ako sa kanya ko para dito, tapusin na natin tong meeting na to." Chill Ryan, be professional.

Napasmirk siya. "Well, if magiging business partners tayo, you need to treat me well Mr. Carpio." Sabi niya. Teka, was that in a seductive tone?

"I know. I'm sorry, so ano na? Let's start." Mahinahong sabi ko. Haaays -.-

"Okay then, since napadala mo na lahat ng requirements sa main office I think puede mo ng mahandle ang Marketing Management sa States. Pero siyempre you need me to assist you dahil sa ako ang Major Stock Holder ng kompanya niyo." Panimula niya

Yes, iba na ang major stock holder sa kompanya namin. Naalala niyo ba nung napilitan akong magpakasal kay Tin para mabenta nila ang kumpanya samin at nabili ito ng papa ko? Madami palang utang ang kumpanya ng papa ni Tin at dahil kami ang major stock holders nun ay sa kompanya namin nalipat lahat ng utang na yun. Kinakaya naman namin nung umpisa pero tuluyan na kaming nahirapan dahil sa taas ng interes. We are now bankrupt. 

Si Beatrice ay isa sa mga investors namin na nagvolunteer na bilhin ang Shares ng kompanya. Minana lang din niya ang kompanya nila kaya magkasing-edad lang kami. Si Papa kasi ang nag-aasikaso na maghana ng bankong puede niyang utangan ulit para mabayaran ang utang ng kompanya nina Tin. Hindi namin alam na ganun pala kabigat ang problema ng kompanya nina Tin pero wala na rin kaming nagawa, dahil yun na lamang ang puede naming gawin para sa Papa ni Tin. 

Siya nga pala. Si Beatrice nasa side :) ---->

Nagtataka siguro kayo kung bakit ganun na lang ang asal ni Beatrice. Well, sorry po pero tama kayo, may something nga kami. Kinailangan ko yun gawin dahil sa yun ang gusto niyang kundisyon para tulungan ang kompanya. Hindi naman kami together, gusto lang niya na ineentertain ko siya. Alam niyang may girlfriend ako pero sabi niya, wala raw kaso yun. Laking States yan kaya  medyo... alam niyo na. Pero para sa kanya normal lang yan. Kaya nga tinatago ko to kay Pat eh, dahil alam kong magagalit yun at baka hindi niya maiintindihan.

Mr. New Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon