Thankyou ng madami dahil nagbasa mo ng Chapter ni Jeff. If hindi mo pa nababasa, balik ka muna sa isang chapter! Di mo magegets pag may namiss kang isa :P
Introductory Chapter for Beatrice :))
Basahin niyoooooo ah ;)
SALAMAAAT! :D
- - -
Bakit ba pag tinatanong ka kung ano ang 'buhay' para sayo, they end up speechless? Don't they love their lives? Or maybe they just want something more... or maybe both.
Life for me has been unfair. Well, life for all of us is unfair. That makes life fair right? Just got it from a blog. Me? I never wanted my life. It was always controlled by someone. Always been, and always will.
I lived with my parents at the Philippines but they had to go to States when I was 12. Leaving me with my aunt who never loved me. Lagi na lang nung bata pa ako, walang araw na hindi niya ako pinapaiyak. I've always hated her too just so you know. Ang tanging kakampi ko lang eh bestfriends ko.
Sabi nila, mala-Cinderella raw yung story ng buhay ko. Pano ba naman kasi.. Iniwan ako ng parents ko. Akala ko nga sabay silang umalis papuntang States pero naghiwalay na pala sila. After a year I knew na namatay ang nanay ko, hindi ko nga alam anong rason eh. Tapos yung auntie ko? Hindi ko pala talaga siya Auntie.... She was my stepmom. My dad married her two months after my mom's death. Ang ganda diba? Kung sa relationship nga may 3-month rule, sa kanila wala. Hoping that everything would be fine after that.... It just got worse.
Kinailangang umalis ulit ng tatay ko papuntang States, nandun kasi ang company namin at ako, naiwan pari kasama ang bruha kong evil stepmonster. She was good to me.... pag may kailangan. Pinapaldalhan lang ako ng pera ng tatay ko pero minsan hindi pa niya ito binibigay. I went to a girlschool dahil sa mas mura doon. Pakiramdam ko nga ipinagkait niya na sakin ang buhay ko. Pero hinayaan ko lang. Ano namang magagawa ko diba?
Lagi ko na lang hinahayaan ang mga taong kumontrol sakin. Lagi ko na lang hinahayaang sila na lang. Lagi kong pinagbibigyan. Minsan nga sa school, may crush ako. Kaso sabi ng bestfriend ko wag ko raw patulan. Playboy raw ang dating pero ayos lang sakin. Niligawan ako nun, nung pumayag ako... Nagalit sakin yung bestfriend ko. Dapat raw hindi ako pumapatol sa ganun. Dapat raw hindi ako nagpapaligaw sa mga badboy. Lolokohin lang daw nila ako. Hindi ako naniwala. Siyempre, crush mo yung nanliligaw sayo tapos papalampasin mo lang kasi badboy raw siya? Bullcrap. -.-
At oo, sinagot ko yung yung crush kong nanliligaw sakin. Hinayaan ko lang na laitin siya ng bestfriend ko. Ganun kasi talaga yun. May pagkamanhater. Pero dumating nadin sa point na sana, sana nakinig na lang ako sa kanya.
First heartbreak? Nung nakita kong may kasamang iba yung boyfriend ko. Mas maputi. Mas sexy, mas maganda... Hindi ko na sana papansinin kaso hinila ako ng bestfriend ko papalapit sa kanila. Pinahiya sila at inaway. "Hindi mo dapat hinahayaang ganunin ka nila." Sabi niya sakin. Pero kasi matagal ko ng hinahayaan ang mga taong saktan ako. Kahit hindi dapat.
Simula nun, dumikit na lang ako sa kanya. Hindi na rin ako nag-eentertain ng kung sinong nanliligaw sakin. Until dumating yung time na nagkacrush nanaman ako.
Sabi ko sa sarili ko that time, hanggang tingin na lang ako. Hindi pwedeng magpaligaw ako sa kanya dahil baka magalit nanaman ang bestfriend ko. At isa pa, badboy nanaman siya. Yung tipong mayabang pero alam mong sweet. Yung alam mong lolokohin ka lang pero gusto mo parin siyang makasama. Nahihibang lang siguro ako nun pero minsan lang kasi ako magkacrush. first year ako nung nakilala ko siya, first day of school kasi nun. Lumipat kasi ako ng school pero girschool padin. Ano bang magagawa ko, yun yung gusto ni bruhilda eh. First day of school nung napansin ko siyang laging nakasandal sa gate namin. Siguro may hinihintay. Lagi ko na siyang sinusulyapan simula nun.
BINABASA MO ANG
Mr. New Book 2
FanfictionKasunod ng Mr. New, as usual. kaya nga "2" diba? Basa ka na ;)))) HAHAHA