HELLO PO! :))
bakit raw ganun? Madaming nagagalit sakin dahil raw parang naging Juliego na ang fanfic ko. Klaruhin ko lang ah! Mas SOLID pa sa SOLID ang pagiging JulNiel ko. Pareho tayong lahat ng gustong endgame dito. XD
Magsuggest na lang kayo ng kilig scenes, wag na kayo magalit. JulNiel forever. Kaso ang RyPat? Medyo tagilid na ata. Joke lang!!! Hehe. :)))
Eto na oh. :**
- - -
Ano bang pwdeng gawin para matanggal ang kaba? Inom ng kape? Ay mali, mas kakabahan ata ako nun eh. Tsk. Pano ba naman ako hindi kakabahan. Eh ikaw bang iblindfold habang nasa kotse?! Lakas ng trip ng lalaking to. Ewan ko ba @@
"Chillax, di kita kikidnapin. Promise!" Sabi niya habang nagdadrive kung saan man. Pano ko ba naman malalaman eh nakablindfold nga ako?!!
"Ayusin mo to Enriquez ah. Masasapak kita!" Sabi ko at inayos na lang ang damit kong malamang ay crampled na crampled na sa kakapisil ko para matanggal ang kaba. Bakit ba sobra ang kaba ko?!!! Mas pa sa Wedding jitters @@
Bakit nga ba? Ay oo. First date nga pala namin to at isa pa, SUPER ILANG ako sa kanya ngayon. Ewan ko ba bakit. Parang, hindi ko siya kilala ngayon. Or siguro si Jefferson lang siya ngayon at hindi si Jasper. EWAN KO!!!! Basta kabado, ang utak ko nasa pwet. Tsk. Baka naman naiwan sa bahay. @@
"Wow, first time ah." sambit niya sakin. Onga naman. First time kong tawagin siya sa kanyang last name. Ganun talaga siguro ako pag kabado. Eh si Ryan nga, Carpio na ang nickname sakin.
Si Ryan. Oh God!
Kaninang umaga pagkagising ko, agad kong chineck ang yahoo ko. Naguiguilty kasi ako sa pagditch ng YM Session namin kagabi. Hindi ko rin naman kasi kayang makipag-usap sa kanya. Hindi ako magaling magsinungaling at malalaman niya talaga tong about sa date na to kaya minabuti ko ng tumahimik na lang muna. Mamaya pagkatapos ng date na to at siguradong makiclear narin ang feelings ko kay Jap/Jep ay siguradong ako ang mag-iinvite to view sa ym niya. Hehehe. :)) Ayun nga, pagcheck ko, may dalawang message ako from him.
From: Ryan Carpio
Hoy, Inindian mo ko kahapon. Lagot ka sakin mamaya!
Yaaaa. Yan lang yun sabi niya sa unang message niya pero takot na ako. Hahaha. Under ata ako dito eh, or not? Ewan ko lang. Bahala na nga, gulo ang utak at puso ko eh, pasensya. -.- Pero yung hindi maalis sa isip ko, eh yung sunod niyang message.
From: Ryan Carpio
Tsk. Eto na ba yun? Yung "Clearing things out" ? Part to nun nuu? Tong pagsnob mo? Tsk. Okay2. Naiintindihan naman kita eh. At sana nga maklaro na yang feelings mo.
Pero kahit ano pa man yang maging realization mo, isa lang ang klaro. Mahal kita! At yun? Hindi yun magbabago, kahit siguro maconfused man lang. Tsaka wag kang magmadali. Kung ako nga, it took me three years para maalalang mahal kita, ikaw pa kaya? Pero wag mo naman paabutin ng three years ah!
Haaays, the point is you gave me time and space when I needed it at ngayon ako din ganun, maghihintay ako. Ikaw naman ngayon ang dapat makaalala. But you have to do it on your own like I did. At tulad mo, hindi rin ako titigil sa paghihintay until you will tell me so. HOY! Hindi to break-up ah? Cool off lang muna siguro. Para may space at time kang mag-isip.
Urgh. Ang hirap makipagcool-off sa email. Pero atleast okay na yung ganito. Malayo tayo, mas mabilis diba? Tsaka para hindi na rin ako mahirapan na makita kung pano mo ikiclear ang feelings mo. Gaa, nobela na pala to. Oh basta, ingat ka na lang diyan. Sana din, do it quickly. Haha. Sige! Loveyou. Always and Forever :**
BINABASA MO ANG
Mr. New Book 2
FanficKasunod ng Mr. New, as usual. kaya nga "2" diba? Basa ka na ;)))) HAHAHA