MN Bk2: Chapter 7A

302 12 3
                                    

Introductory chapter for Jefferson Enriquez :)

Medyo importante na basahin niyo ito. Malalaman niyo yung story ng buhay niya at-

Basta, magbasa ka na lang :))))

Blurred the picture. Surihi ^---^V

- - -

Ang buhay ng tao, unpredictable. Akala mo yun na pero hindi pa pala. Akala mo nga sila pa yung magrereport... yun pala kayo na. Akala mo kayo pa pero yun pala may iba na siya. Hindi mo alam kung ano yung susunod na mangyayari. Ika nga nila, expect the unexpected pero pano mo ieexpect yun kung hindi mo ineexpect na mangyayari pala yun. Naiintindihan mo ba ako? Ako kasi, hindi..

Ako, pinanganak akong walang tatay. Alam kong imposibleng walang tatay kasi di naman magkakaroon ng anak kung walang tatay diba? Pero kasi, wala siya sa tabi ng nanay ko nung pinanganak ako. Namatay kasi siya bago pa ako mapanganak. Sundalo kasi tatay ko. Ilang buwan bago manganak ang mama ko ay naasign nag papa ko sa gera sa may Mindanao at nung gabing pinanganak ako, pagkatapos na pagkatapos ng labor ay may tumawag raw kay Mama. Patay na raw ang papa ko.

Tragic ba? Hindi ko nakilala ang papa ko. Pero ayos lang kasi may tumayo na pang ama para sakin. Nag-asawa uli ang mama ko after 2 years, at yung stepdad ko hindi naman ganun ka masama pero siguro ayaw talaga nila sa mga hindi nila anak. Hindi ko alam -.-

Mabait naman siya, pagdating sa usapang babae. Siya ang nagpalaki sakin at siguro isang linggo pa lang pagkatapos kong natuli, tinuruan na niya ako pano humawak ng babae. Babaero kasi yun. Hindi ko lang alam kung pano ko sasabihin sa nanay ko that time. Buti na nga lang nahuli niya kaya't bago pa ako magkaroon ng crush, wala na siya sa buhay namin ng nanay ko.

Sa school, simple lang ako. Tahimik dati, pero nung naghighschool na ako? Ako na yata yung pinakamaingay sa klase. Dati sa school simple lang ako. Pero hindi naglaon ay medyo nag-iba yung image ko. Hindi naman sa nagmamayabang pero pakiramdam ko, sa dami na ng records ko sa Principal's office, sumikat ako.

Naging medyo... okay fine, badboy ako nung highschool. Bully? Hindi naman, playboy lang kamo na minsan, isang girlschool ang nagkagulo dahil dahil sakin. Pano ba naman, akala ko magkaibang year yung tatlong girlfriends ko, yun pala classmates lang. Hindi kasi bisto eh. Tsk >\<

Kailan nga ba ako tumino? Inisip nga ng mama ko na hindi na siguro darating yung isang buwang hindi siya pupunta sa Principal's office. Suki na kasi siya dun eh. Hindi na rin siya umasang titino pa ako. Hindi naman na talaga ako tumino. Forver badboy na siguro ako... pero nagbago yun nung nakilala ko si Patricia.

Nag-aaral siya dun sa Girlschool na nagawan ko ng gulo. third year ako nun at siya first year pa lang. Tahimik lang yun, mahinhin... Pero sa unang tingin lang pala. Kasi suplada siya. Lalo na sa hindi niya kilala

"Hi Miss, Jeff nga pala." Naalala ko yung una namin kita sa isa't-isa. Agad ko siyang nilapitan, siyempre... ako pa?

"Not interested." Sabay palo ng kamay ko gamit ang paypay niya. Akala mo anghel pero demonyita rin pala yung dating. That turned me on. Made me like her more, kakachallenge eh. Ganun kasi kaming mga lalaki. Gusto naming machallenge, hindi yung easy game lang. Mas mahirap, mas satisfying pag nanalo ka diba? At yun nga yung nangyari sakin.

Js Prom nila nung sinagot niya ako. Since girlschool sila, pinapagsama ang schools namin. Oo, sa boyschool ako nag-aaral. All boys, ang iba baklang nagpapakalalaki. may ibang lantad. May isa pa ngang nagcross-dress nung JS, bahala na sila.

Aaminin ko. Simula nung naging kami, hinayaan ko siya ang kumontrol sakin. Pinagbabawalan akong mang-away, uminom, hindi niya ako itetext pag ginawa ko yung mga dati kong ginagawa. Nagbago ako dahil sa kanya. Binago niya ako.

Mr. New Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon