Chapter 17: His Side Story

4 2 0
                                    

— Mhikayy POV

Two weeks after na hindi ako naging active sa mga social media ko ay naging mas busy kami nila Papa at Glyzel sa business naming magkaibigan. Habang tumatagal mas lalong nagiging patok ang milk tea-han namin, plus with french fries and burgers pang kasama na luto ni Papa sa amin. Hindi ko inaasahan na mas napapansin na lately ang store namin ni Glyzel and of course kasama ko si Papa with matching 5 stars reviews. Mas dumarami na rin ang mga customers namin habang tumatagal, kaya happy kaming tatlo.

Nagpapasalamat ako sa kanila na tinulungan at sinuportahan nila ako about sa naisip kong business na gusto kong buuin. And yeah, ito na nga ’yon. Masaya ako ngayon at dahil ’yon sa kaibigan ko dati na si Natnat. Kahit alam kong iniwan niya ako ay sana pagbalik niya ay hindi pa rin niya ako kinalimutan kahit alam kong ginawa na niya ang bagay na ikakasakit ko, ’yon ang kalimutan ako, ang tagal na niya kasing nawala at hindi pa bumabalik. Pero umaasa rin ako na babalik din siya at sana ’yong naka-usap ko before sa restaurant ay si Natnat na talaga ’yon.

Gabi na ngayon at kakasarado lang namin ng store at busy ngayon si Glyzel at si Papa sa baba dahil naglilinis sila habang nasa taas ako, bigla akong napatulala dahil iniisip ko kung babalik pa ba siya sa Pilipinas (si Natnat) o hindi na. Umaasa kasi ako na sana bumalik pa siya pero mukhang malabo na kasi.

“‘Nak, are you okay?” sabi ng baritonong boses na alam ko kung sino ang nagsalita.

“Yes, ’Pa. Malayo lang po ang iniisip ko.”

“Sa kaibigan mo pa rin ba ’to dati?”

“Opo, ’Pa. He told me about sa pagbabalik niya pero umabot na ng two decades, wala pa rin siya,” nalulungkot na sabi ko.

“Si Mama mo nga rin e. Hanggang ngayon hindi ko na rin siya kinausap. 10 years na rin ang nakakalipas.”

At dahil malaki naman na ako. Tatanungin ko siya kung anong nangyari sa hiwalayan nila Mama at Papa.

“’Pa, I have a question po. Tutal, malaki naman na ako at gusto kong sagutin mo ’to ng totoo.”

“About saan ’nak?”

“Sa hiwalayan po ninyo ni Mama. What happened 10 years ago?”

“Kailangan ko pa ba sagutin ’yan ngayon after niya akong saktan?”

“Ano bang nangyari sa paghihiwalay po ninyo, ’Pa? I want to know the truth. Lumaki kasi ako na hindi ko alam ang dahilan. Hindi na po bata, ’Pa.”

“Gusto mo ba talagang malaman?”

“S’yempre po. Hindi naman po ako magtatanong sa inyo kung wala namang dahilan.”

Nakita ko na bumuntong hininga siya bago ito nagsalita sa harapan ko.

“Dahil sa ex husband niya na bumabalik sa buhay niya ulit. Wala akong laban doon ’nak. Kasi hindi magandang buhay ang mabibigay ko sa Mama mo before. Mayaman ang ex husband niya, tapos ako? Mahirap lang. Pero payapa lang ang buhay natin noon not until na dumating na naman sa buhay niya ’yong lalaking ’yon. Anong laban ko ro’n? Mayaman ’yon e. Kaya niyang buhayin ang Mama mo ng ganoon lang kadali, tapos ako itong salat sa yaman. Ni hindi ko pa nga kaya noon ang mamahaling singsing na gusto niya. Hindi ko rin naman sinisi na nabuo ka at nabuhay sa mundong ito, pareho naming ginusto ’yon ni Minerva. Kaya pinaubaya ko siya sa lalaking pinakamamahal niya noon. Tapos habang nasa school pa kayo noon ni Natnat ay pumunta ’yong ex niya sa bahay natin sa Cebu. Kitang-kita ng dalawang mata ko na nag-po-proposal ulit sa kaniya ang dating asawa niya na halos nadurog ang puso ko no’n. Hindi mo naman ako masisisi kung bakit ko ’yon ginawa sa Mama mo ’nak na hiniwalayan ko siya dahil sa nakita kong eksena,” sabi niya sabay niyakap ako ni Papa at umiiyak pa rin ito.

“’Nak. Ginawa ko naman lahat para sa pamilya natin e. Pero bakit ganoon pa ang ginawa ng Mama mo sa atin? Ang sakit-sakit lang.”

’Yon pala ang totoong dahilan kung bakit naghiwalay sina Mama at Papa noon. Hindi ko naman kasi alam na ganoon na pala ang nangyari simula nung pumunta na kami rito ni Papa sa Ilo-ilo. Now, I know the truth.

“Alam ko naman po, ’Pa na masakit pa rin sa ’yo ang nangyari mula pa noon, pero sana... Pinagbigyan niyo po muna ang paliwanag ni Mama.”

“Hindi ko na kailangan ang mga paliwanag niya, kitang-kita ng dalawang mata ko ang proposal niya sa asawa ko.”

“Kahit na po, ang sa akin lang naman is buo tayong pamilya.”

“Kinakampihan mo ba ang Mama mo kaysa sa akin?”

“Wala po akong sinasabing ganiyan, ’Pa. At hindi rin ako one sided. I still need to know the truth. Kapag hindi ako busy sa business na ’to. Pupuntahan ko si Mama sa Cebu.”

“Anong gagawin mo roon at bakit ka pupunta?”

“Truth. I want to know the truth kung bakit ganoon ang nangyari sa pamilya natin. Ayoko na po ng ganito. Should I say na... Oo, okay na ako sa pangarap ko na ’to dahil nakabuo na ako ng own business ko, pero... May kulang po talaga, ’Pa e. Pagbigayan mo naman po ako sa favor ko na gusto kong kausapin si Mama. Nung bata pa ako, sumama ako sa ’yo dahil ’yon ang makakabuti sa atin. But now... Ako naman po ang pagbigyan ninyo sa hiling ko na gusto kong pumunta sa Cebu na ako lang mag-isa para kausapin si Mama about sa mga nangyari sa inyo.”

Sabihin man natin na mabait si Papa, pero ang ayoko lang sa kaniya ay hindi niya man lang ako pinagbibigyan sa mga gusto kong gawin. At ngayon na malaki na ako ay ang kagustuhan ko naman ang gagawin ko. Mula pa bata pa ako ay sa kaniya ako sumusunod, kaya ako naman ang gagawa no’n para sa sarili ko.

“Pagbibigyan kita sa hiling mo kung ’yan ang gusto at ikakasaya mo. I need to set you free. Basta balitaan mo ko kapag anong sinabi sa ’yo ng Mama mo sa akin.”

“Makakaasa po kayo, ’Pa. Don’t worry, babalik din to ako agad. Gusto ko lang po talaga kasi malaman ang katotohanan.”

Sa sobrang higpit niya kasi sa akin noon ay nasasakal ako sa mga ginagawa niya. Alam ko naman na para sa akin ang bagay na ’yon, pero may iba lang kasi akong bagay na hindi ko magawa man lang nang dahil sa kaniya. Pero ngayon, pumapayag na siya sa mga gusto kong gawin.

Nathaniel Harris: I'm Inlove With My Handsome Hot Gay FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon